NASA BAHAY lang daw ang young actor na si Hiro Magalona Peralta kapag sumasapit ang Semana Santa, at pagkatapos nilang mag-Visita Iglesia kasama ang kanyang pamilya.
Tsika nga ni Hiro, “‘Pag Holy Week, nasa bahay lang kami, although nagbi-Visita Iglesia kami kasama ng family. Simula nu’ng bata pa ako, nakalakihan ko na ‘yung nagbi-Visita Iglesia, kaya kahit ngayong malaki na ako, naging practice na namin ‘yun, na kapag Mahal na Araw, magkakasama kaming lumilibot ng iba’t ibang simbahan.
“Sumasali rin ako sa Pabasa sa amin, pinakikinggan ko yung mga kanta nila. Tapos ‘yun nga, most of the time, nasa bahay lang kami during Holy Week. After Holy Week, nagkakaroon kami ng swimming ng buong angkan namin, parang reunion na rin.
“Taon-taon, ganu’n ‘yung ginawa namin. Malaking pamilya kasi kami. ‘Pag may okasyon, lahat kami present,” pagtatapos ni Hiro.
Sino ang susunod sa yapak nina Hiro, Jon at Mauriel sa 2014 Finalists ng Mr. and Ms. Olive C?
SINO KAYA sa 2014 Finalists ng Mr. and Ms. Olive C na gaganapin ngayong Mayo sa SM North Edsa Skydome ang susunod sa yapak nina Mauriel Orais na naging Miss Earth winner, Hiro Magalona Peralta na isa sa Prime Teen Actor ng GMA 7, Jon Lucas na naging Star Magic Talent, Johanna Datul na winner ng Miss Supranational 2013, at Joshua Joffe na isa ring Kapuso Teen Actor, na pare parehong katas ng Mr. and Ms. Olive C.
Kalamakailan ay ipinakilala ang mga finalist ng Luzon, kung saan nagpatagisan ng galing sa pagrampa at pagsagot sa mgakatanungan ng press people. Ilan sa outstanding sa mga ito ay sina Ashleigh, Christian, Stephen, at Teresa. Pero dapat abangan din ang finalist from Cebu, Davao at Bacolod na talaga namang palaban pagdating sa talent, looks at pagsagot sa katanungan.
Mga bus na lumabag sa panukala ng MTRCB, nahuli sa Coastal Terminal
NAHULIHAN NG MTRCB noong April 14 ang ilang south-bound provincial buses sa Coastal Terminal na nagpapalabas ng mga videos na hindi dumaan sa review ng MTRCB, kung saan iba pa ito sa regulation na only until PG (Parental Guidance) as reviewed by MTRCB ang maaaring ipalabas.
Ipatatawag ang mga bus operator at kanilang mga driver at konduktor, pati na rin ang mga nahuling walang nakapaskil na paunawa ng MTRCB at LTFRB.
John’s Point
by John Fontanilla