MARIING PINABULAANAN ng tween star na si Hiro Magalona na binugbog siya ng kanyang ka-loveteam na si Kiray Celis sa upcoming Mother’s Day movie offering ng Regal Films na The Mommy Returns.
Ayon kay Hiro, biro lang daw ‘yun ni Kiray nang magkita sila sa isang party kamakailan, binibiro raw kasi nila ng kanyang co-tweens na sina Kristoffer Martin at Teejay Marquez ang batang komedyana na kailangan ng apple box para tumanggap na ikinapikon ni Kiray at biglang pinagsusuntok sa balikat si Hiro.
At kahit nga raw medyo nasaktan sa lakas ng suntok ni Kiray ay hindi raw ito ininda ni Hiro dahil alam naman daw nitong biro at lambing lang ito ng kanyang ka-loveteam. Pero after ng insidenteng iyon ay hindi na naghiwalay ang dalawa na nagkukuwentuhan sa isang sulok ng party at nang paalis na si Kiray ay ang binata pa ang naghatid palabas ng nasabing venue ng party.
ISA SI Arjo Atayde among new batch of young actors na pasok na maging importanteng artista in the future dahil na rin sa angking galing nito sa pag-arte at super duper down to Earth at wala ni katiting mang yabang.
At kahit pa nga napabibi-lang sa may sinasabing angkan at anak ng magaling na aktres na si Sylvia Sanchez at ng businessman na si Art Atayde, maganda ang PR nito sa lahat, maging sa kanyang mga ever loyal fans.
At dahil na rin sa positibong feedback sa acting ni Arjo sa katatapos na soap ng ABS-CBN na E-Boy, paniguradong may laan na bagong project ang Dos para sa guwapitong binata.
NAGPIRMAHAN NA kahapon ng Memorandum of Agreement ng PAO at Philippine Movie Press Club (PMPC) na kung saan susuportahan ng legal group ng PAO ang mga entertainment press na makakasuhan gaya ng Libel.
Magkasabay na pumirma si Atty. Persida Acosta na chief ng PAO sa MOA kasama ang presidente ng PMPC na si Roldan Castro. Pero ayon sa mabait na host / Public Attorney, hindi lang daw ito para sa mga taga-PMPC kung hindi para sa lahat ng mga press people na kaila-ngan ang kanilang tulong. Isa lang daw ang gustong mangyari ni Atty. Acosta, ito ay ang mabigyan ng nararapat na tagapagtanggol ang mga reporter na nakakasuhan nang libre lang.
MULA NANG umpisahan ng News5 ang Tutok Tulfo, ang pinakauna nitong public service program, hindi na tumigil ang programa sa layunin nitong maging sandalan ng mga Pilipinong pumapanig sa tuwid na daan. Makalipas ang 2 taon, tuluy-tuloy ang naturang investigative program sa pagsisiwalat ng mga isyung kailangang malaman ng publiko kasama ang walang inuurungang mamamahayag na si Erwin Tulfo. Para sa two-part second anniversary special (Abril 21 at 28) ng Tutok Tulfo, kikilatisin ng programa ang kakayahan ng pulisya na umaksyon sa mga krimen. Ibabahagi rin ng programa ang kasalukuyang lagay ng mental health sa bansa lalo pa’t kadalasang naiisantabi ang usaping ng kalusugan sa pambansang agenda ng pamahalaan. Tututukan din ng programa ang mga hakbang na ginagawa ng mga mental institution upang pagalingin ang mga mental patient.
Bukod sa two-part special nito, mag-lulunsad din ang Tutok Tulfo ng “Sakay sa Kaligtasan”, isang ride-for-a-cause activity na pangungunahan ni Erwin Tulfo. Bilang motoring enthusiast-advocate, hihikayatin ni Erwin at ng buong pwersa ng Tutok Tulfo ang mga motorista upang makisama sa kanyang paglalakbay upang ipakalat ang impormasyon ukol sa crime prevention, self-defense at rescue operations. Nagsimula ang naturang aktibidad noong Abril 21 sa SM Supermalls at sa ilang bahagi ng Central Luzon (SM Novaliches, SM Marilao, SM Pampanga at SM Tarlac). Magpapatuloy ang programa sa Abril 28 sa mga SM Supermalls sa ilang bahagi ng Sourthern Luzon (Novaliches, Molino, Dasmariñas at Sta. Rosa).
MULA SA mga bumubuo ng Pinoy Parazzi, sampu ng aming editor at ng inyong lingkod, kami ay taos-pusong bumabati ng congratulations kay Mr. Roselio “Troy” Balbacal na ga-graduate ngayong April 25, 2012 sa kursong Computer Technician sa STI Balayan, kudos!!!
John’s Point
by John Fontanilla