FINALLY AY leading man na si Hiro Peralta. Ito ay sa bagong serye ng GMA 7 na My Little Nanay kung saan bida si Kris Bernal at kasama rin si Nora Aunor.
“I feel blessed po,” masiglang pahayag ng young actor. “Hindi ko nga po ini-expect na pagkatapos ng Pari Koy ay may kasunod na project agad akong gagawin sa GMA. Tapos leading man pa ‘yong role ko. Sa story, kababata po ako ni Kris. Tapos no’ng naging teenager kami, nangyari na nabuntis ko siya. Mawawala ako sandali. And then pagbalik ko, do’n ko lang malalaman na nagkaanak pala kami.
“Challenging ‘yong role ko bilang isang nakabuntis na hindi pa handa sa responsibilidad ng pagiging ama. Na parang nasayang ‘yong chance ko na magkaroong ng magandang future dahil sa nangyari. Mahirap ‘yong character ko kasi magulo ang isip na… ‘yong erratic. Na at first gusto ko si Kris, tapos biglang hindi ko na siya gusto. Marami pong mabibigat na eksena. Na talagang nahirapan po ako, pero nagawa ko naman po nang maayos.”
Si Ricky Davao ang kanilang direktor. First time daw niyang makatrabaho ito.
“Okey naman po siya bilang direktor. Parang Direk Maryo (Delos Reyes, na nakatrabaho ni Hiro Sa Pari Koy) ‘yong sistema niya ng pagdidirek. At parang hindi naman po ako nanibago. Kasi ‘yong production staff, same din po no’ng sa Pari Koy kaya wala na po ‘yong ilang ko pagdating sa working environment.
“Ang kinabahan lang po ako ay no’ng si Ate Guy ang nakaeksena ko. Kasi first time ko po siyang makatrabaho. Pero sa sunod na taping day namin, okey na. At ease na ako. ‘Yong pinakahuling eksena namin ni Ate Guy, ‘yong nalaman niya na nabuntis ko si Kris na apo niya. Na susugurin niya ako sa bahay at iiyak ako in front fo her. At first, hirap akong umiyak. Pero natatangay ako at napaiyak na rin nang ibinato na ni Ate Guy ‘yong line niya.
“Magandang experience na makatrabaho siya. And I really admire her hindi lang dahil magaling siyang aktres kundi napaka-humble niya. Na parang… sa kanya, pare-pareho tayong artista. Pantay-pantay tayo at hindi tayo magkakaiba,” sabi pa ni Hiro.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan