ALL PRAISES ang tween actor na si Hiro Peralta sa kanyang veteran co-stars sa kanyang newest indie film na Sitio Camcam, kung saan kabituin nito ang award-winning actors na sina Sunshine Dizon, Ms. Elizabeth Oropeza, Allen Dizon , Jean Garcia, atbp.
Marami nga raw magagandang advice ang ibinigay sa kanila ng nasabing veteran stars pagdating sa pagmamahal sa trabaho at sa pagbibigay-galang sa mga artistang nauna sa kanila.
Tsika nga ni Hiro, “Marami silang naging advice sa amin, like maging professional sa trabaho, tapos always smile. Kasi ‘pag naka-smile ka pagpasok mo lang sa set lahat ng makakikita sa ‘yo, ngingiti na rin and mas magiging magaang ang trabaho.
“‘Pag naka-smile ka, magiging masaya ang start ng trabaho at magiging happy ang mood sa set. Walang stress, walang pressure kasi nakangiti lahat. And besides, nu’ng ginawa namin ‘yung Sitio Camcam walang stress at pressure, kasi happy lahat at ready pagdating sa set.”
At sa pangatlong pagkakataon, masaya raw na makatrabaho ni Hiro si Joyce Ching na una niyang nakasama sa Tween Hearts at sinundan ng Anna Karen Nina at ngayon ay sa Sitio Camcam.
“Okey naman katrabaho si Joyce, actually ilang beses ko na rin siyang nakatrabaho. ‘Yung una sa Tween Hearts kung saan naging ka-love triangle nila ako ni Kristoffer Martin bago ako ipinareha ng GMA kay Kim Rodriguez.
“Kaya bonded na kami, kasi naging kapareha ko rin siya for a while sa Tween Hearts and nakasama ko rin siya sa Anna Karen Nina. Most of the scene kaming dalawa ‘yung magkaeksena pati si Sir Allen (Dizon), kasi siya ‘yung lumalabas na tatay ko sa film.
“Tsaka lagi ko naming sinasabi sa mga interview ko dati pa na magaling na artista si Joyce. Kapag kaeksena mo siya, madadala ka, kasi magaling siyang umarte,” pagtatapos ni Hiro.
Jacky Woo, nakigulo sa mga kids ng Goin’ Bulilit
AFTER MAGING busy sa kanyang paggawa ng pelikula, muling napanood ang mahusay na Japanese actor pero Filipino by heart at isa ring producer/ singer/ director na si Jacky Woo sa Goin’ Bulilit last June 8, kung saan nakigulo ito sa mga Kapamilya Child Star.
Ito ay in line with Father’s Day presentation ng kiddie show kung saan gumanap na tratay na hapon si Jacky. Nag-enjoy daw ng husto ang very generous na Japanese actor sa child stars ng Kapamilya Network.
At bukod nga sa said guesting, magiging busy pa rin ito sa paggi-guest sa iba’t ibang TV shows sa iba’t ibang TV networks at sa paggawa ng pelikula kung saan lagi niyang isinasama ang mga Pinoy actor maging mga staff and crew sa mga pelikula niyang ginagawa
“THAT THE Board is concerned over “Big Brother,” or “Kuya’s” challenge to housemate Jayme Jalondoni to pose for a nude painting session.” Ito ang naging pahayag ni MTRCB Chairman Eugenio Toto Villareal kaugnay sa episodes na ipinalabas sa Pinoy Big Brother All In.
Kailangan daw magbigay ng explanation ang mga tao sa likod ng reality show sa ipinatawag nitong meeting last June 11.
“ The show’s June 4 episode saw Jalondoni refusing at first. But she later gave in, even if it went against her will.
“ Another housemate, Michelle Gumabao, was selected for the same challenge that Jaladoni… Jalondoni even chose fellow housemate Michelle Gumabao to join her in the challenge, upon “Kuya’s” instructions. The latter’s sobs, showed that the challenge threatened her religious beliefs as well.
“The pressure exerted upon the said housemates arguably constitutes moral and psychological violence upon them and may violate their dignity as persons.”
MTRCB cited its 2012 Memorandum of Understanding with ABS-CBN and other networks “for the positive and non-derogatory portrayal of women in television, in support of the Magna Carta of Women 2009.”
Dagdag pa ni Atty. Villareal, “The conflict with religion and incursion into otherwise harmonious family relations borders on insensitivity towards Filipino values of faith and family.”
Inimbitahan din ng MTRCB ang representatives mula sa Philippine Commission on Women sa nasabing pagpupulong.
John’s Point
by John Fontanilla