DREAM COME true raw para sa teen actor na si Hiro Peralta ang makasana sa primetime teleserye ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor via Little Mommy na pinagbibidahan ni Kris Bernal as Little Mommy.
Hindi nga raw napigilang ma-starstruck ni Hiro nang makita sa storycon si Ate Guy, dahil alam na alam naman daw nito na halos lahat ng mga katulad niyang baguhang artista ay nangangarap na makatrabaho ang Superstar. Kaya naman thankful ito sa GMA dahil isinama siya sa Little Mommy.
Bukod pa sa makasasama rin nito ang mga de kalidad na actors like Eddie Garcia, Sunshine Dizon, Gladys Reyes, Kempee de Leon, Mark Herras, Juancho Trivino, atbp.
Ito rin daw ang magsisilbing kauna-unahang big break ni Hiro dahil bida siya rito kapareha ni Kris Bernal, kaya naman daw grabeng paghahanda nito para magampanan nang buong husay ang role na ibinigay sa kanya.
Teen singer Angelica Feliciano, sikat sa Vietnam
HINDI NA talaga matatawaran pa ang galing ng mga Pinoy artists dahil kahit sa karatig-bansa sa Asya ay nakape-penetrate na rin ang talentong Pinoy.
Ilan sa talaga namang sikat sa Asya ay sina Christian Bautista, Sam Concepcion, at Teejay Marquez na sikat na sikat sa Indonesia. At ang latest ay ang SMAC TV Productions artist na si Angelica Feliciano na sikat na sikat naman sa Vietnam.
Halos halat daw ng cover songs nito sa YouTube ay napi-feature sa Vietnam at halos karamihan nga ng nanonood at nagkokomento sa mga videos nito ay galing sa nasabing bansa.
May mga imbitasyon na nga raw ang magandang teen singer na bumisita sa Vietnam para makita siya nang personal ng kanyang libu-libong tagahanga sa nasabing bnansa.
Kaya naman ang kasikatan nito sa Vietnam ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong ma-feature sa Jessica Soho. Regular na napanonood si Angelica sa YouTube channel ng SMAC sa palabas na Bee Happy Go Lucky, kung saan ipinakikita rito ni Angellica ang galing niya sa pagkanta, pagsayaw, at pagho-host.
Walang Tulugan mainstays, pinasaya ang 15th founding anniversary ng Our Lady of Pillar Catholic School
NAGING MATAGUMPAY ang selebrasyon ng 15th founding anniversary ng Our Lady of Pillar Catholic School sa Imus, Cavite sa pangunguna nina Rev. Fr. Phem Peregrino, school director; Mr. Gerardo M. Flores, school principal; OLPCS administrators; at employees, sa pagbibigay-saya ng ilang Kapuso stars mula sa Walang Tulugan With The Master Showman.
Unang nagbigay ng kanyang 3 awitin ang guwapong si Christian Ramirez na sinundan ng former Pinoy Got Talent na si Buildex Pagales na click na click sa mga kabataang babae ng awitin nito ang God Gave Me You na sumikat nang maging theme song ng AlDub sa Eat Bulaga’s Kalyeserye.
Samantalang dinumog naman ang Star Image talents na grupong Upgrade na kinabibilangan nina Casey, Rhem, Ivan, Mark, Raymond, Armond, at Miggy. Samantalang in full support naman sa Upgrade ang mga bosing ng Star Image na sina Sir Vince at Sir David.
John’s Point
by John Fontanilla