Hiro Peralta, pass muna sa bading roles sa teleserye

Hiro-Peralta“SANA ON the next project, hindi sana bading ang role. Hahahaha! Baka kasi ma-typecast ako sa ganu’ng role. Hayaan na lang natin sa iba na lang para masubukan nilang mag-bading sa soap,” pahayag ng Kapuso actor na si Hiro Peralta na huling napanood bilang closet gay sa Pari Koy.
Ayaw nga munang tumanggap ng bading role ni Hiro sa susunod niyang gagawing proyekto pero naging masaya naman ito sa pagganap bilang bading, dahil marami ang nakapansin sa maganda niyang performance sa kanyang character na ginampanan at ito raw utang na loob ni Hiro kay Direk Maryo Delos Reyes.
Kuwento nga ni Hiro, “Para sa akin, isa talagang malaking karangalan ang makatrabaho ang napakagaling na direktor na si Direk Maryo, kasi marami akong natutunan sa kanya pagdating sa pag-arte. Iba ‘pag nahawakan ka niya, kasi ilalabas niya sa ‘yo kung ano pang puwede mong ilabas pagdating sa pag-arte. Kaya naman thankful talaga ako sa kanya.”
Sa ngayon nga raw ay naghihintay na lang si Hiro ng panibagong proyekto sa GMA 7, at ilan nga sa gusto nitong makatrabaho ay sina Kris Bernal, Louise delos Reyes, Andrea Torres, Lovi Poe, Heart Evangelista, Max Collins, Joyce Ching, Bea Binene, at ang kanyang orihinal na ka-love team na si Kim Rodriguez.


SM-with-Disney Rhap Salazar at Morisette Amon, bumirit ng Disney songs sa SM Spells Magic With Disney

SPECTACULAR AT magical ang naging grand launch ng tie-up ng Walt Disney at SM Malls na ginanap sa MOA Arena, Pasay City, last September 1.
Nagmistulang Disneyland ang MOA Arena sa mga Walt Disney merchandise na naroroon mula sa mga characters ng blockbuster movies na Avengers, Frozen, Inside Out, atbp.
May malaki ring Disney Castle na naroroon na puwede kang magpalitrato. Nagmistulang bata nga ang mga taong naroroon sa mga Disney songs na inawit nina Rhap Salazar, Morisette Amon, at Mandaluyong Children’s Choir sa saliw ng musika ng Philharmonic Orchestra, at sa pagdating nina Mickey Mouse, Minnie Mouse, Donald Duck, Daisy Duck, at Goofy.
Present ang Pamilya Sy sa pangunguna ng butihing may bahay ni Mr. Henry Sy, Sr. Nagbigay naman ng magandang mensahe ang anak nito at pangulo ng SM Prime Holdings, Inc., pati na rin ang representative ng Walt Disney na si Mr. Rob Gilby, managing director ng Walt Disney Company Southeast Asia, kasama ang iba pang executives ng Walt Disney.
Kristoffer-MartinKristoffer Martin, pangungunahan ang isang concert for a cuase


MAGBIBIGAY-SAYA ANG
Kapuso lead actor ng hit teleseryeng Healing Hearts na si Kristoffer Martin sa “Concert para kay ISKO” na isang concert for a cause, kung saan ang kikitain ay gagamitin para sa sholarship ng mga kabataang gustong mag-aral, pero hindi kayang pag-aralin ng kanilang mga magulang.
Ito’y magaganap ngayong araw Sept. 4, 2015 (Biyernes) sa Cagayan State University Main Andrews Campus sa Caritan, Tuguegarao City. Makasasama nito ang Magno Twins na sina MellJohn at Melmar, at ito’y sa pakikipagtulungan ng Globe.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 108 September 04 – 06, 2015
Next articleVice Ganda, kinabog ang female celebrities sa magazine cover

No posts to display