HINDI MALABONG mabansagang playboy ang tween star at isa sa leadingmen sa Anna Karenina na si Hiro Peralta sa dami ng crush nito sa showbiz mula sa kanyang co-stars sa nasabing soap na si Krystal Reyes hanggang sa Kapuso leading ladies na sina Heart Evangelista at Marian Rivera.
“Hindi naman po siguro masasabing playboy ‘yun, kasi crush naman. Hindi ko naman sinabing liligawan ko sila, may mga katangian lang na hinahangaan ko sila.
“Like si Krystal Reyes, kasi maganda at mabait siya bukod sa tahimik na parang misteryosa siya. Tapos, crush ko rin si Marian Rivera kasi ang ganda-ganda niya. Sino pa ba? Si Heart Evangelista, maganda rin, ang dami, ‘no… hahaha! Pero sila po talaga ang crush ko sa showbiz.”
Bukod kay Krystal, may iba ka pa bang artistang babae na gustong makapareha?
“Ultimate dream ko na makatrabaho si Marian Rivera, kasi ang ganda-ganda niya, alam ko naman na halos lahat ng lalaki sa GMA-7, nangangarap din na makatambal siya.
“Wala namang masamang mangarap, ‘di ba? Kaya naman pangarap ko na makatrabaho siya. Pero gusto ko rin namang makatrabaho sina Barbie Forteza, Bea Binene, Rhen Escaño na nakasama ko sa Tween Hearts. Sila ‘yung gusto kong makatambal sa soap or pelikula,” pagtatapos ni Hiro.
DINUMOG NG ‘di mabilang na tao mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang katatapos na show sa SM City Lucena last July 13 ang tinaguriang Twitter Cutties na UPGRADE na kinabibilangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Miggy San Pablo, Ron Galang, Armond Bernas at Mark Baracael na tubong Lucena, Quezon. Hosted by Janna Chuchu ng Walang Tulugan With the Master Showman at DZBB 594 Walang Siyesta.
Mula pa sa Pasig, Cavite, Caloocan, Bulacan at Makati ang ilan sa mga fans na talaga namang sumugod at nagpunta ng SM Lucena para lang mapanood ang mini-concert ng UPGRADE .
Kaya naman pinakilig ng UPGRADE ang mga ito sa kanilang killer moves at galing sa pagkanta. Kung saan nakipagsayawan at nakipagkantahan sa UPGRADE ang mga taga-Lucena at ito’y mula sa suporta ng New Placenta, UnisilverTime at SM City Lucena.
After Lucena, mapapanood naman ang UPGRADE sa July 17 (Dominican School); July 21 (AF P Theater for Dangal ng Bayan Awards Night) kung saan tatanggap sila ng Award for Boyband of the Year/ Internet Sensation; July 28 (SM Olongapo) at July 30 (Araneta Coliseum).
John’s Point
by John Fontanilla