KUNG MINSAN, ang akala ng mga nagmamarunong na fans ay alam na alam na nila ang pribadong buhay ng kanilang mga idolo. Natural, ang projection ng kanilang idolo sa kanila ay ke babait nilang tao at hindi nagkamali ang mga fans na sila ang piliing maging idolo.
Pero sa totoo lang, ‘yun lang ang projection ng karamihan sa mga artista sa harap ng tagahanga. The truth is, karamihan din sa kanila ay may invisible sungay, dahil sa totoong buhay, may pagka-monster o halimaw rin ang ilan sa kanila.
Hindi mo rin naman masisi ang mga artistang “humahalimaw”, dahil siguro sa sobrang pagod na nila.
Juice ko, sa 24 years namin sa industriyang ito, andami na naming “halimaw” na nakilala, na-encounter at nakatrabaho pa na feeling namin, nakadikit na sa pagkatao nila ang di-kagandahang ugali.
Ilan sa mga ‘yan ay sina….. Hahahaha!
‘Wag na. Hindi na namin babanggitin pa, dahil baka awayin kami ng mga fans na ang tingin sa kanila ay “matitinong tao.”
Hahahaha! Juice ko. Kung alam n’yo lang.
‘YUN NA lamang mabait ang aming papupurihan. Tulad na lang ni Gladys Reyes na more than 2 decades na naming kilala, pero hindi binabago ng panahon. Kahit kaninong reporter namin itanong, wala silang masasabing “nega” tungkol kay Gladys.
Kaya nga bilang “kumare” ay tuwang-tuwa kami sa kanya, dahil hindi lang siya artista ngayon, kundi co-producer na rin sa programang 6 years nang umeere, ang Moments tuwing Sabado, 7pm sa Net 25.
“Juice ko, Kuya Ogie, ganito pala ang feeling ‘pag producer ka na, ‘no? Naghahanap ka ng sponsor para magtuluy-tuloy ang programa mo. Hahahaha! Pero gusto ko ‘to, eh. For a change naman, ‘di ba?”
Mabait daw ang management ng Net 25, dahil binigyan siya ng magandang deal sa hatian.
“Sa July 6, sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang guests ko, Kuya Ogie. Dito talaga, sinagot ni Juday ‘yung tungkol sa isyung hiwalay na sila. Obviously, nakausap ko silang magkatabi, kaya hindi hiwalay, ‘no! Hahaha!”
Nagpaunlak din daw ng interview sina Sen. Bong Revilla at Congw. Lani Mercado, “Na nakakatuwa, dahil ang tawag pala ni Kuya Bong ke Ate Lani, Wonder Woman. Kasi raw, she always wonder kung nasaan si Kuya Bong. Hahahaha!
“Pero ngayon daw, hindi na Wonder Woman, kundi Congresswoman. Hahahaha!”
Sina Sen. Grace Poe at asawang si Neil Llamanzares ay nagpaunlak din.
“All along pala, hindi pala kilala ni Sir Neil ang parents ni Sen. Grace, kaya nu’ng pumunta ng bahay nila si Sir Neil, parang namamalik-mata lang siya, dahil noon lang niya nalaman na anak pala siya nina FPJ at Ms. Susan Roces.”
Sabi nga namin kay Gladys, dapat niyang irekomendang panoorin ng mga reporter ang 0 dahil dito pala makakakuha ng mga tsismis, hahahaha!
But seriously, we’re so happy for Gladys, dahil kung meron mang may karapatang mag-host ng isang show na tatalakay sa magandang samahan ng isang couple o pamilya, siya ‘yon, dahil si Gladys at ang kanyang pamilya ang isang magandang halimbawa ng isang masaya at malusog na pamilya.
SINA RUFFA Gutierrez at Cong. Lino Cayetano na ba?
Sey ng aming very reliable source, na-sight nito ang dalawa na sabay na dumating sa Prive (isang sosyal na bar) at magka-holding hands.
“Ano ba’ng ibig sabihin ‘pag magka-holding hands, Kuya Ogs? Alangan namang magkaibigan lang sila eh, hindi naman natin nabalitaan noon pa na magkaibigan pala sila. At kahit nga ang magkaibigan na lalaki at babae, nadidiyahe pang mag-holding hands, ‘di ba?
So feeling ba niya, sina Ruffa at Cong. Lino na?
“Ako talaga ang sasagot? Well, sa pagkakita ko sa kanilang dalawa, mukhang sila na. Pero kung idedenay nila, me choice ba tayo? Hahahaha!”
Oh My G!
by Ogie Diaz