Sipat-eklat: Host, malas sa show na sinasalihan kaya natitigbak?!

SIPAT: KUMPIRMADO nang BUNTIS si ROXANNE GUINOO.
EKLAT: Kaya WALA nang BLIND ITEMS, ha?

SIPAT: KUMPIRMADO na ring ang BOYFRIEND niyang si ‘ANGELO’ ang NAKABUNTIS kay ROXANNE.
EKLAT: SURE na SURE!

SIPAT: ‘IT’S not a MISTAKE,’ sey pa ni ROXANNE sa kanyang PAGBUBUNTIS.
EKLAT: Another translation: HINDI kami SUMABLAY, e.

SIPAT: ‘UNFORGETTABLE’ daw ang LAST PERFORMANCES sa SOP FULLY-CHARGED last SUNDAY.
EKLAT: Siyempre, ‘HULI’ na ‘yon, ‘no?!

SIPAT: UMARANGKADA kaya ang RATING ng SOP nu’ng LINGGO?
EKLAT: Oo naman! DAMING na-CURIOUS kung pa’no TINATAPOS ang HINDI nagre-RATE na SHOW!

SIPAT: SAAN daw ILALAGAY ang mga HOSTS ng SOP ngayong WALA na silang SHOW?
EKLAT: KINAKABAHAN tuloy si KUYA GERMS…

SIPAT: TWO-WEEKS walang SUNDAY VARIETY SHOW ang SIYETE? Sa MARCH 21 pa kasi MAGSISIMULA ang PARTY PILIPINAS.
EKLAT: Mag-REPLAY muna sana ng GMA SUPERSHOW!

SIPAT: SANA raw ay mga BAGO na ang HOSTS sa PARTY PILIPINAS.
EKLAT: MERON naman BA?

SIPAT: SINO ang GUSTO n’yong ‘WAG nang ISAMA sa PARTY PILIPINAS?
EKLAT: A) OGIE ALCASI; B) REGINE VELASQUEZ; C) JAYA; D) JANNO GIBBS; D) ALL of the ABOVE!

SIPAT: HINDI na raw MAPAPANOOD si ANDI EIGENMANN sa AGUA BENDITA.
EKLAT: MATAAS na ang RATING ng SHOW… baka LUMAYLAY pa?

SIPAT: Blind Item: ‘SIYA ang JINX sa mga SHOW na SINASALIHAN niya. ‘Di ba, IKALAWANG SHOW na niya ‘yang NATIGBAK?’ Sey ng isang MAHADERANG MIRON.
EKLAT: Clue: NAND’YAN lang siya, o!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleSinu-sino ang SOP hosts ang dapat i-retain sa Party Pilipinas?
Next articlePhillip Salvador, mas type ang pinahihirapan sa trabaho!

No posts to display