PA-LEVEL UP nang pa-level up na talaga ang mga technology, devices, o gadgets ngayon at may patok naman ngayon, ang Hover Trax o Hoverboard. Ang Hoverboard ay naimbento ngayong 2015, pero mas pumatok pa ito lalo sa ibang bansa pati sa ating bansa.
Ano nga ba ang Hover Trax o Hoverboard? Ito ay kilala rin na Self Balancing Two Wheeled Board o Scooter, ito ay isang portable, rechargeable battery powered vehicle. Ito ay may 2 gulong magkabilaan at dalawang maliit na platform kung saan ay ating tinutungtungan at meron din itong internal balancing mechanism.
Kontrolado ito ng mga sumasakay rito. kapag tayo ay sumakay, maaari natin itong kontrolin gamit ang ating mga paa kung saan natin gustong tumungo, dahil ito ay merong built in gyroscopic, sensored platform, para kapag gusto nating umabante, umatras, o saan mang direksyon ang gusto natin, matutukoy ng sensor ito. Ito ay naimbento sa China, pero mas pumatok ito sa United States matapos gamitin ng ilang sikat na celebrities.
Ang Hoverboard na ito ay isang Chinese invention, pero hindi nila ma-point kung anong company ang talagang gumawa nito dahil marami ang nagkle-claim na sila ang unang nag-imbento nito. Ayon kay Wired’s David Pierce, ito ay naimbento bilang “Smart S1” by Chic Robotics, a Chinese technology company associated with Zhe Jiang University. Meron pang nag-claim ng invention o ang device na ito na nagmula kay Shane Chen, isang Chinese businessman na lumipat sa US. Sa katunayan ang device na ito ay wala pang mismong tawag, tawag dito ng iba ay board, ang iba naman ay Self Balancing Two Wheeled Board o Scooter, at ang iba naman tinawag ito na Hoverboard o Hover Trax.
Ang device na ito ay lalong pumatok sa Western countries at nakilala ng karamihan din dahil ilang celebrites din ay nire-record ang pagsakay nila sa device na ito na makikita natin na nakae-enjoy gamitin at ang iba naman ay natutumba pa. Ang ilang celebrities na gumamit ng device na ito ay sina Justin Bieber, Wiz Khalifa, Kendall Jenner, Chris Brown, at marami pang iba.
Dito naman sa ating bansa ay pumatok din itong device na ito na sa karamihan ang tawag dito ay Hover Trax. Ilang celebrities na rin dito sa ating bansa ang gumamit nito. Magkano nga ba ito? mahigit 10,000+ ang device na ito, meron sa iba P13,000 dahil sa mga designs din nito. Nakae-enjoy din ito dahil maaaring gamitin for fun o libangan at siguro p’wede rin itong gamitin ng mga guwardiya sa loob ng mall dahil ito ay may kabilisan din na makatutulong din sa kanilang trabaho at isa iba rin kumbaga. May mga ilang bansa rin na ipinagbabawal ito at sa iba naman ay bawal gamitin sa mga pampublikong daanan dahil hindi rin natin maiwasan ang mga maaaring mangyari o aksidente.
Ito ang ilan sa patok na technology o device ngayon, mag-enjoy sa paggamit ng Hover Trax, pero kasabay rin niyon ay tayo ay mag-ingat.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo