Huling pelikula ni Vilma Santos, matagal pang masusundan

FILIPINOS ARE GENERALLY known for pagiging mapagtanaw ng utang na loob: an obligation – probably eternal – that has no monetary exchange.

Beyond words, hindi kakasya ang basta na lang pagpapasalamat ni Senator Jinggoy Estrada kay Mother Lily who hosted a press dinner in his honor at her own Imperial Palace Thursday night. Dumagdag na naman kasi sa listahan ng Regal Matriarch ang pasuporta nito sa re-election bid ng senador dubbed as Anak ng Masa. And just who is the father of the masses, kundi ang ama ni Jinggoy who’s out to reclaim his presidential victory.

As a token of gratitude nga, ipinahayag ni Jinggoy na handa siyang gumawa ng pelikula sa Regal Films gratis at amore. Simply put, libre, walang bayad. Pero may suggestion si Tita Ethel Ramos, tinaguriang Dean of Entertainment Journalism: magpabayad daw si Jinggoy kay Mother Lily, and let his talent fee – all of it – be generously shared among the members of the working press.

Kung pahihintulutan ‘yon ni Jinggoy – and in all indications ay posible – magiging kasingbango niya ang kanyang personalized cologne with his signature on the box!

Medyo naguluhan lang ako sa nais isulong ni Jinggoy to resuscitate a dying, if not a dead film industry. Isasabatas daw niya kasi sa Senado na i-subsidize o pondohan ito ng gobyerno. Pero once in place, paano na makalulusot ang mga pelikulang may temang panlilibak sa gobyerno at ang mga kakulangan nito?

Hindi kaya binubuhay lang natin ang mga kalansay ng rehimeng Marcos na nagsesensura sa mga uri ng malayang sining, mapagtakpan lang ang bahong umaalingasaw sa lipunang dulot ng mapang-abusong liderato?

DEFINITELY NOT THIS year, pero malamang na sa taong 2011 pa muling mapapanood sa higanteng telon si Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Which means that her fans will have to be more patient.

Intindido naman ‘yon ng mga Vilmanians ever since their idol began to have the best of both worlds, ‘ika nga. Ang maganda pa nga sa Star For All Seasons, isinasangguni rin niya sa kanyang mga tagahanga ang kanyang mga desisyon in both fields that she’s in.

Lagi rin naman kasing ipinapaalala ni Ate Vi na hindi ngayon at kumaway sa kanya ang pulitika ay tinalikuran na niya ang negosyong nagsilang sa kanya ilang dekada na ang nakakaraan. FYI, Ate Vi never fails to meet up with her fan club officers and members, even extending assistance to those who need her help.

Kaya naman as a token of gratitude, hayun ang mga Vilmanians sa Batangas, taking time out from their daily grind bilang suporta rin sa kanilang idolo.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleFemale dancer ng isang variety show, 100K ang ‘talent fee’!
Next articlePremiere Shots: Working Girls, panalo sa takilya!

No posts to display