OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth, dahil more chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng mga bonggang-bonggang eksenang chikka natin.
Kumustahin naman natin ang da-ting komedyanteng si Sammy Lagmay, na nabalitaan nga nating umapela ng tulong dahil sumasailalim ngayon sa dialysis.
Nabatid na nag-umpisa sa diabetes ang karamdaman ng komedyante, kung saan nadamay na ang kanyang kidney na pareho nang hindi gu-magana.
Ayon kay Sammy, dalawang beses kada linggo siyang isinasailalim sa dialysis. P1,750 ang halaga ng kada dialysis. Ngayon, kumakatok si Sammy sa iba pang mga nakasama sa industriya na tulungan siya partikular sa medical expenses niya.
Bukod sa sakit na diabetes, may isa pang nararamdamang sakit si Sammy, ang unti-unting paglabo ng kanyang paningin. At marami nga ang nagsasabi sa akin na nagko-commute lang daw ito ‘pag napapa-dialysis siya sa Quezon City General Hospital. Nakakaawa naman, dahil sa sitwasyon niya, galing pa siyang Bulacan.
Nagtatanong lang po ako, bakit ‘pag ‘yung mga sikat na malala at mayaman, ‘yun ang pinagtutuunan ng pansin? Bakit ‘yung mga simpleng artista gaya ni Sammy, at ang dating director na si Direk Mario O’ hara ay hindi masyadong nabigyan ng importansya?
Sana naman matulungan siya ng mga istasyon na pinagtrabahuhan niya, dahil nararamdaman ko ang nararamdaman niya kapag naiisip na may sakit siya at walang tumutulong.
Nakakaloka naman kasi, kaya isinulat ko ito para bigyang-pansin natin ang mga kasamahan natin sa industriya.
KUMUSTAHIN NAMAN natin itong si Whitney Tyson na isang komedyante na napabalita noong hiwalay na sa kanyang Tivoli lover dahil may ibang dyowa na ito.
May mga naloka sa pahayag ni Whitney na nabili niya sa halagang P5,000 ang rights para manirahan siya sa ilalim ng tulay. Hindi sila makapaniwala na may nagbebenta ng rights para maging legal ang paninirahan sa ilalim ng Nagtahan bridge. Take note, may sarili siyang kuntador at linya ng tubig.
Heto na nga ang chikka, noong nakaraang araw nagulat na lang ako na biglang tumawag at nag-iiyak. Naloka ako, akala ko naman kung bakit, ‘yun pala kasama ang bahay niya sa idi-demolish diyan sa ilalim ng tulay sa Nagtahan.
Nakakawindang! Take note, buti na lang hindi raw natuloy dahil pinagsisigawan niya ang mga nagdi-demolish. Hahaha! Natakot yata sa beauty niya.
Isa pa rin ito si Whitney Tyson na malaki rin naman ang naipundar sa showbiz, hindi rin natin lubos-maisip na talagang eversince mas gusto niyang tumira roon. Siguro nga baka nandu’n pa rin ang suwerte niya at du’n siya masaya.
Pero nang tanungin ko nga na kung gusto pa rin niyang bumalik sa showbiz, trabaho ang kailangan ni Whitney na gustung -gusto nang makabalik sa showbiz at handa nang tanggapin ang lahat ng klase ng role, bruha man o aswang. ‘Yan ang chikka niya sa akin.
Ibang klase talaga sa showbiz industry, ‘no? Payo lang sa mga baguhan, habang maaga pa lang ay nakapag-iipon na kayo at para ‘pag na-lost control ka ay marami ka nang naipundar.
Hahaha! Nakakawindang, ‘di ba? Magkasakit ka man ay hindi ka mukhang kawawa na nanghihingi ng tulong. Korektivity?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding