CORRECT ME IF I’m wrong, Kuya Dan, once pala na may mabalitaan man lang ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) sa hanay mga artistang gumagamit ng drugs (not even pushers) ay puwede pala nila itong isakote?
Basta raw may sumbong, whether may basehan o wala, maaari raw ipatawag ng naturang sangay ng gobyerno ang artista who’s doing drugs. So, paano na pala, Kuya Dan, ang aktor na ibinlaynd item mo noong Lunes, eh, may karagdagan pa akong impormasyon tungkol sa kanya?
Let me assign countries to the characters involved in yet another PDEA’s intensified crackdown on drug users, this time mga tao mula sa showbiz.
Blind item nga ito, ‘no, kaya huwag kang basta-basta magre-react, Peru (manager ng aktor)!
Mas pinili na lang huwag sagutin ni Denmark ang mga paratang ng kanyang dating dyowang si Jamaica. Kung ipagpipilitan pa raw kasi ni Denmark ang kanyang punto, mapipilitan na siyang ilaglag ni Jamaica sa sikreto nito. Intrigued, nagtanung-tanong tuloy kami sa kung ano nga ba ang lihim ng bansang ang kabisera ay Copenhagen.
Eh, kaya naman din pala inisplitan si Denmark ng nauna niyang dyowang aktres na si Poland dahil sa isyu rin ng drugs! Ito rin kaya ang dahilan kaya nakipagkalas kay Denmark si Costa Rica? As an added tsika, Kuya Dan, bago raw pala umakyat sa studio na pinagdarausan ng lingguhang variety show si Denmark, nahuli siya ng staff sa basement parking lot na nagma-marijuana!
So, confirmed na isa palang drug user si Trinidad & Tobago, este, si Denmark?
(By Ronnie Carrasco III)