BLIND ITEM: KINSA Sila? ‘Yung hunk actor noong nakaraang isyu na may kontrobersiyal na mga karelasyon pa rin ang bida ng ating kuwento.
Isang gabing tahimik nang biglang nakatanggap nang isang text si hunk actor na may kontrobersiyal na mga karelasyon mula sa isang datihang hunk actor na hindi na masyadong aktibo sa ngayon. Ang nakasaad sa text diumano: “Mama, baka naman i-reto kahit P30 thou lang…” or words to this effect.
Hindi na tinextbak ni hunk actor na may kontrobersiyal na mga nakarelasyon si hunk actor na hindi na masyadong aktibo sa showbiz ngayon at natawa na lang ito.
Clue? Naisulat ko na sa isa sa mga article ko noon ang hunk actor na may mga kontrobersiyal na karelasyon… ang na- wrong send na actor ay medyo mainit na pinag-uusapan sa showbiz dahil nga raw sa mga kakaibang lakad nito para lang may maipantustos sa kinahuhumalingang bisyo. Ang isa pang hunk actor noong nakaraang isyu ay naging modelo sa isang gym noon.
SA ISANG EVENT, nakorner ng ilang press si Rhian Ramos at pinutakti ng tanong ang magandang prinsesa ng GMA-7 tungkol sa kanila ni Mo Twister. Ano na nga ba ang estado nilang dalawa?
“Well, siguro naman may more than friendship… kasi apat na taon ko na ring sinasabi na magkaibigan kami at kailan lang nga nag-umpisang manligaw.”
So hindi pa talaga sila? “Hindi pa pero sasabihin ko kung kami na… kasi updated nga kayo, ligaw pa lang,” sagot nito sa mga interesadong press people sa tunay na lagay ng kanilang relasyon.
SAKSI KAMI SA pagdagsa sa Makati City Hall ng mga supporters ni Willie Revillame, Shalani Soledad at ng Willing Willie noong nakaraang Martes, November 30, 2010. Napuno ng sigawan, at hiyawan ng suporta para sa TV host at sa show nito ang buong city hall kung saan nakatakdang idaos ang unang pagdinig ng copyright infringement case na isinampa ng ABS-CBN laban kay Willie, sa kanyang show at sa TV5.
Naging mainit ang argumento ng magkabilang panig sa pagsisimula ng hearing at sa huli, nabigo pa rin ang ABS-CBN na makakuha ng TRO laban sa Willing Willie. (Noong huwebes at Biyernes naman ay ipinagpatuloy ang hearing sa kaso at ipinapa-inhibit ng kampo ni Willie ang pagpapanatili ni Judge Villarosa bilang hukom na didinig sa kaso dahil diumano ay kunektado ito sa law firm na may kaugnayan din daw sa ABS-CBN.)
May mga taga-suporta si Willie mula sa iba’t ibang lugar at isa nga sa kanila si Aling Edith na mula pa sa Bicol. Nang makausap namin ito, iyak ito nang iyak dahil daw naawa na siya sa TV host na palaging may kinakaharap na problema. Sana raw, maayos na ang lahat para tuloy pa rin ang kanilang inaasahang suwerte sa show ni Willie.
Sa kasamaang palad naman, hindi rin pinaligtas ng iilang may masasamang budhi ang pagdagsa ng mga tao dahil maraming taga-TV5 ang nadukutan ng cellphones at wallet.
Naobserbahan din naming angat sa teknolohiya ang TV5 sa paggamit nila ng kanilang tinatawag na ‘livepack’, kung saan nakakapag-ulat ang kanilang mga reporters nang live, on the spot, kung saan nangyayari ang kaganapan at balita.
Ang ‘livepack’ ay isang modernong kagamitang pang-broadcast na kayang maghatid ng balita mula sa mga lugar ng pinangyarihan nito sa madaling kaparaanan, dahil ang equipment na ito ay kasing laki lamang ng medium backpack na buhat-buhat ng kameraman habang nag-uulat ang reporter.
Kaya kahit mula sa basement at lobby ng city hall ng Makati noong Martes, nakakapag-ulat ang mga reporters ng TV5 ng live sa mga kagananapan ng hearing dahil nga walang hassle ang livepack. Bongga ito, ‘day!
Tutok lagi sa Juicy, daily (12 NN), sa TV5; Paparazzi, Sundays, 4 PM, sa TV5; at sa Cristy Ferminute, Radyo Singko, 92.3 newsFM, daily, 4 to 6 PM.
Sure na ‘to
By Arniel Serato