ISA SA MGA sensitibong paksa na isulat ay ang pagkakasakit ng sinumang personalidad, lalo’t kung ang kanyang buhay ay tulad ng isang de lata na may expiration date.
Hindi naman talaga siya (our subject) isang showbiz personality, but he is married to an actress who started young in the business. May supling na rin sila.
But theirs is not a marriage that has counted several years, pero hindi naman ‘yon ganoon kaikli tulad ng napapabalitang anim na buwang pamamalagi na lang sa mundo na ibinigay ng kanyang oncologist (doctor that treats cancer patients).
Hindi sa binibigyang-katuwiran namin ang karamdamang dumapo sa mister ng aktres, but if it’s any sigh of relief, may-kaya ang pinagmulan niyang pamilya para matustusan ang mahal na gamutan just to prolong life.
But let us approach this from a spiritual point of view. We can, but we should not question God’s plan for us. Sana lang, buong tapang na harapin ng mag-asawa ang pinagdaraanan nilang pagsubok, as this will further strengthen—not just their marital union, but their faith in God.
Hindi na mabilang ang mga binigyan ng taning ng mga tagapaglaganap ng medisina, only to get their medical expertise disproven because of the word “miracle”.
(By Ronnie Carrasco III)