NAPAIYAK SI JOY Cancio nang kausapin siya ng Pinoy Parazzi sa mismong office niya sa Kamuning. “Yes, totoo, wala na ang SexBomb sa Eat Bulaga, pero naging maganda naman ang pag-uusap namin ni Malou Choa-Fagar (producer ng noontime show),” aniya.
Ayon pa rin sa choreographer, walang project ang kanyang mga alaga sa Channel 7 kaya naghanap siya nang mapapagkitaan para sa sarili at para sa kanyang mga ta-lent. “Kailangan naman naming kumain, kailangan naming magtrabaho. Malaki ang pasasalamat ko sa Channel 7 dahil sa maraming taon, hindi nila kami pinabayaan.
“Kaya lang, siyempre, matagal na rin kaming walang ginagawa. Kaya naisipan kong ihanap ng raket ang mga talent ko at ako nga, nasa Dos na ngayon. Nag-start na ako doon as a choreographer (sa Happy Yipee Yehey!).”
Ang grupong Pink Society at Focus Dan-cer daw ang nagbukas ng show last week, pero hindi pa niya tiyak kung regular nang magsasayaw ang mga ito sa nasabing programa ng Dos. “Masaya naman kami sa Happy Yipee Yehey!, kaya lang, need talagang umalis kami sa Eat Bulaga, kasi sabay ‘yung show. At nakakahiya naman siguro kay Malou at sa iba pang big boss, kumbaga conflict of interest.”
Dagdag pa ni Joy, mawala man siya ngayon sa Siyete, naiwan naman doon si Rochelle Pangilinan. “Hindi na kasi siya SexBomb talaga. I mean, may sarili na siyang path ng career at marami naman siyang raket sa Channel 5,” aniya.
Malungkot daw ang pag-alis nila sa Eat Bulaga at sa iba pang show ng Channel 7, pero kailangan daw niyang kumilos at magtrabaho. “Maraming umaasa sa akin, may mga anak akong binubuhay, kaya kailangan kong mag-work. Kaya sa mga boss ng Channel 7, maraming salamat po sa lahat-lahat,” pagtatapos ni Joy.
SABAY NA NAKAUSAP ng Pinoy Parazzi sina Ruffa Gutierrez at Kris Aquino sa 25th Anniversary ng People’s Power. Masaya ang kuwentuhan nina Ruffa at Tetay. “Magpaka-happy tayong dalawa sa buhay natin. Happy for our all achievement now, and happy for ourselves as well,” litanya ni Kris katabi si Ruffa.
“You know, Kris, you don’t have a mean bone in your body,” sey naman ni Ruffa.
Kung matatandaan nagkaroon ng ‘gap’ ang dalawa nung magkasama pa sila sa programang The Buzz. Madalas ay inookray noon ni Kris si Ruffa na naging dahilan pa ng pagwo-walkout nito sa nasabing talk show ng Dos. “Well, kung anuman ang nangyari noon, kinalimutan ko na ‘yon. Mas maganda ‘yung marami ta-yong kaibigan,” sabi pa uli ni Ruffa.
“Ito, walang halong kaplastikan, pagpapakabait or pagpapa-cute or whatever, parang siguro at this point of our lives, parang mas maganda ‘yung harapin natin ang future at kung anuman ‘yung medyo hindi magandang nangyari noon, kalimutan natin,” sabi ni Kris.
Sagot naman ni Ruffa, “Yeah, happy ako, kasi alam naman natin na we’re friends at matagal din naman ang pinagsamahan natin. Kaya masaya talaga ako.”
NALOKA KAMI NANG kausapin namin si Dingdong Dantes doon din sa People’s Power anniversary. Sinabi kasi nito na kinuwentuhan niya si Marian Rivera tungkol sa naganap na unang Edsa People Power.
“Two years (old) lang siya noon, kaya wala pa siyang alam,” sey ni Dingdong.
Two years old? Ibig sabihin ay 27 pa lang si Marian ngayon?! Ewan! Saglit na umakyat sa 59 floors ang kilay namin at nag-minus, nag-plus, at divided by na kami.
Sa kabilang banda, sinabi rin ni Dingdong na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila nasisimulan ni Kris ang kanilang pelikula.
More Luck
by Morly Alinio