Huwag Pahuhuli sa Beach Body

PATAPOS NA naman ang buwan ng Marso. Kay bilis ng paglipas ng oras, hindi ba? Kapag sinabi na magtatapos na ang buwan na ito, ang daming kaakibat nito. Nariyan din ang kaliwa’t kanan na pagpaparangal sa mga estudyanteng nagtatapos ng kanilang pag-aaral sa pre-school, elementarya, sekondarya at sa kolehiyo.

At hindi rin pahuhuli ang kabilaang pagpaplano ng mga outing! Swimming diyan, swimming dito! Kaya ang artikulo kong ito ay para sa mga bagets na nagnanais i-display ang kanilang mga naitatagong beach body! Ano pang hinihintay ninyo? Ang daming paraan ng pagpapapayat at bibigyan ko kayo ng mga “A must try workout fitness gyms” dito sa Metro.

360 Circuit Training

Ang work-out na ito ay para sa mga busy-busy-han na bagets diyan o kaya sa mga bagets na naiinip sa mga isa hanggang dalawang oras na paglalagi sa gym kada araw dahil ang 360 Circuit Training ay workout na tumatagal lamang ng treinta minutos. At sa kalahating oras na ito, maaari na kayong makapag-burn ng umaabot sa 500 calories. Sa treinta minutos, kinakailangan mo madaanan lahat ng 20 na istasyon na handog ng gym na ito. Ang bawat istasyon ay iba-iba at may kanya-kanyang focus sa inyong katawan kaya maganda na ituloy-tuloy ang workout na ito dahil makikita mo ang magandang resulta sa buong katawan mo.

Plyometrics

Sa mga feeling sporty diyan, Plyometrics ang the best na workout para sa inyo. Ito naman ay 20 to 30 minutes na workout na gumagamit ng drills. Ang mga drills na ito ay hindi basta-basta. Hindi ito warm up-warm up lang dahil dapat mabilis at malakas ang bawat galaw ninyo. Ang workout na ito ay talagang ginagamit bilang training ng mga taong sports varsity sa iba’t ibang field. Limang daan hanggang walong daan kada oras ang calories na maaari mong mai-burn.

Jukari Fit to Flex

Mag-aala-Cirque du Soleil performer sa workout na Jukari Fit To Flex! Sa mga taong bored na bored na riyan sa araw-araw na ordinaryong routine sa gym, the best ang workout na ito para sa inyo! Gumagamit ito ng elastic at lightweight band na siya ring ginagamit ng mga performers ng Cirque du Soleil habang nagte-training. Palambutan ng katawan ang labanan dito dahil iba-ibang stretches na may art at choreography ang magaganap. Tatlong daan na calories din ang nabuburn dito kada oras.

Kettleball

Ayon sa Women’s Health Philippines, ang Kettleball ay maituturing nang isang intense na workout sa panahon ngayon. Paano ba naman ikaw ba’y magbubuhat ng iron or steel kettleball na tumitimbang ng hanggang sa 40 pounds! Pag-lift, pag-swing lang naman ang mga gagawin mo kasama ang mabigat na kettleball. Kaya nga sa isang oras na workout na ito, maaari ka nang makabawas ng isang libong calories.

Barre3

Ang workout na ito ay pinagsama-sama ang ballet, yoga at pilates. O ‘di ba, 3 in 1 ang ganap ng nasabing ehersisyo? Wino-work out nito ang mga core muscles, balance ng katawan at lalo na ang upper part ng body ninyo. Sa isang oras na pagsasagawa nito, maaari kayong mag-burn ng hanggang sa 200 na calories. The best ito para sa mga beginner.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 7 Issue 40 March 21 – 23, 2014
Next articleKinasuhan ng Homicide, ‘Di Naman Nakapatay

No posts to display