MAY SAKIT BANG hydrophobia si P-Noy? Tanong ito ng ‘di iilang salbaheng kolumnista at radio/TV broadcasters sa gitna ng walang awang batikos sa Pangulo dahil sa hindi niya agad pagbisita sa flooded areas ng Central Luzon.
‘Di ako kani-kanino subalit mukhang may katwiran ang mga batikos. Missing in action ang Pangulo sa isang malubhang kalamidad na kailangan ng libu-libong mahihirap na biktima ang kanyang presensya. Strike two na ito. Nu’ng hostage crisis sa Luneta nu’ng nakaraang taon, naging predikamente rin niya ito.
Ipinagtanggol ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang Pangulo. Kasi raw, napakalaking mobilization resources
ang kailangan sa pagbisita. Gastusin na maaaring magamit daw sa pagtulong sa mga biktima. Utak-biya. Sa kultura ng ating lahi, kailangan ang pagpapamalas ng dagliang liderato sa panahon ng crisis. Kung pag-uusapan ang gastos, magkano ang kinuha sa kaban ng bayan sa pagbisita ng Pangulo sa Japan? Nag-ambag pa siya ng $1-M sa mga biktima ng tsunami, halagang dapat sana ay naibigay sa ating mga biktima. Sa kasagsagan ng bagyong Pedring at Quiel, dapat sanang kinat-short ng Pangulo ang kanyang state visit at dumamay sa ating mga mamamayan. Utak-biya.
Kapalaran yata natin na naghalal ng isang lider na ‘di sensitibo sa panga-ngailangan at damdamin ng mamamayan. Sabi ko na sa inyo. One Cory Aquino should have been enough. Ngayon magtitiis na naman tayo ng kalbaryo sa another Aquino.
Subalit kung si P-Noy ay may sakit na hydrophobia, ‘di masahol ito sa cleptomaniang sakit ng isang dating pangulo. Kaawa-awang ‘Pinas. Pasang-krus kahit ‘di mahal na araw.
PAGKARAAN NG WALONG taon, finally si Senator Lito Lapid ay nakapag-deliver ng isang privilege speech tungkol sa kontrobersyal RH Bill. Laman ito ng media at kahit si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay pinalakpakan ang achievement ni Lapid.
Ano ang dapat ipalakpak at ikatuwa ng madla? Sa loob ng walong taon, mil-yung-milyong halaga ang ibinayad sa suweldo at iba pang perks ni Sen. Lapid. Ang katumbas ba niyan ay isang privilege speech lang sa Pilipino? Masyado na nating binababoy ang institusyon ng Senado sa paghahalal ng uri ni Lapid. Sa totoo lang, let us stop complaining about our inept government sapagkat naghahalal tayo ng inutil na mambabatas. Ihampas na lang natin ang ating ulo sa pader.
SAMUT-SAMOT
PASENSYA NA KAYO. ‘Di naman ako galit. Inis lang kay Dr. Eric Tayag sa labis na pagpo-promote ng kanyang sarili sa isang Dengue infomercial sa isang TV station. Salamat na lang at kinansela ang infomercial dahil yata sa inis ng mga tao. Biro mo, sa loob lamang ng sampung segundo, mas mahaba pa ang pag-aannounce ni Dr. Tayag sa kanyang tatlong titulo sa DOH. Kawawa naman. Kulang sa pansin.
BYE BYE, KOBE. Habang sinusulat ito, wala pa ring linaw kung matutuloy ang susunod na NBA season next month. Nakakalungkot. Taun-taon sa loob ng walong buwan, ang NBA games ang tunay na kinaaaliwan ko. Maraming mga dahilan. Ngunit ang nangingibabaw ay greed. Kasakiman ng mga NBA players at may-ari ng basketball club. Sayang.
TOTOONG NAGDESISYON NA ang Kor-te Suprema sa pagpataw ng 12% VAT sa tollways. Ngunit totoo rin na kung talagang sensitibo sa mahihirap si P-Noy, puwede niyang i-suspend muna ito. Ngunit ‘di ‘yan ang nangyari. Katakut-takot na namang paghihirap ang binubuno ng maraming motorista. At sa harap ng maraming kalamidad na dinaranas, grabe ang mga daing at hinanakit.
QUOTE OF THE WEEK:
Someone once calculated how a typical life span of 70 years is spent: Sleep (23 years/32.9%); Work (16 years/22.8%); TV (8 years/11.4%); Eating (6 years/8.6%); Travel (6 years/8.6%); Leisure (4 ½ years/6.5%); Illness (4 years/5.7%); Dressing (2 years/2.8%); Religion (1/2 year/0.7%)
How does it all add up? We spend so much of our time on ourselves, and so little time for God and for others. There is another word for this reality – selfishness.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez