NOONG MIYERKULES, lumabas sa espasyong ito ang artikulong pinamagatang “Walang bilib ang Koreano sa Pilipino”. Sa nasabing artikulo, binanggit ko ang tungkol sa umano’y mga pandarambong na ginagawa ng ilang mga negosyanteng Koreano rito sa Pilipinas.
Binanggit ko rin ang tungkol sa mga panggugulo at kabastusan na ginagawa ng ilan sa mga banyagang ito na ipinapakita lamang na sadyang wala silang bilib sa ating mga Pilipino dahil marahil sa sobrang pag-iidolo at pagkamangha natin sa kanilang mga telenovela – na kulang na lang ay sambahin natin sila.
MAAGA KONG isinumite ang nasabing artikulo, hapon ng Sabado, October 20. Gabi ng araw ring iyon, nanood ako ng last full show ng isang pelikula sa Rockwell Mall sa Makati kasama ang aking buong pamilya.
Bago pa man magsimula ang pelikula, napansin ko sa ‘di kalayuan sa aming harapan ang isang Koreano at Indian national na pawang mga lalaki. Taimtim ang kanilang pag-uusap sa wikang Ingles at nabatid kong ang isa sa kanila ay Koreano sapagkat nabanggit niya ang tungkol sa mga masasarap at paborito niyang restaurant sa Korea na inirerekomenda niya sa kanyang kausap. May kalakasan ang kanyang boses.
Ilang saglit pa, inanunsyo ng nasabing sinehan ang pagtutugtog ng Pambasang Awit at hiniling sa lahat na magsitayo.
Lahat ng tao na naroroon ay tumupad at nagsitayuan maliban sa Koreano na pinili niyang nakadekuwatro habang nakaupo. Ang masaklap pa, habang tinutugtog ang ating Pambansang Awit, patuloy pa rin sa pagdadadaldal ang balasubas na Koreanong ito sa kanyang kasamang Indian national.
DAHIL KASAMA ko ang aking asawa’t mga anak pati na ang aking 90 yrs. old na biyenang babae, nakayanan kong mag-timpi. Ang balak ko sana ay hatakin siyang patayo hawak ang kanyang dalawang balikat o dili kaya ay kaladkarin siya palabas ng sinehan at ipaaresto.
Alam kong may nilabag siyang batas doon dahil sa pambabastos sa ating Pambansang Awit at ang pagkakaladkad ko sa kanya patungong presinto ay isang uri ng citizen’s arrest.
At alam ko rin na siya at ang kanyang kasama ay tiyak na papalag pero may kasama akong anim na lalaking staff at mawawalan ng saysay ang anumang klaseng pagpapalag na gagawin nila kapag pinilit kong ipaaresto ang Koreanong iyon.
Ngunit minarapat ko na lamang manahimik kaysa mag-kagulo at baka pati ang aking pamilya ay madamay.
NOONG NAKARAANG taon, kasama ako sa mga talent ng TV5 na pumunta sa Cebu City nang i-launch ang aming local station doon. Kinagabihan, pagkatapos ng aming mall tour, ako at ilan sa aking mga kasamahan ay nagtungo sa isang restaurant.
Napansin ko sa isang mesa ang isang mag-asawang Pilipino na kasama ang dalawang dalaga nilang anak. Nilapitan ang kanilang lamesa ng dalawang lalaking Koreano na customer din ng restaurant na iyon.
Walang paliguy-ligoy na kinausap ng dalawang unggoy ang dalawang dalaga, na sa aking pakiwari ay nagpapakilala at kinukuha ang cellphone numbers nila. Pero ‘di sila pinansin ng mga dalaga at naging maagap din ang padre de pamilya at mabilis silang itinaboy.
Nang makita ko ang eksenang iyon, inakala kong dahil napahiya, maglalakad papalayo ang dalawa na nakayuko. Pero sa halip, nag-apiran ang mga matsing na ito at naghalakhakan pa’t nagsisisigaw sa wika na tanging silang dalawa lamang at ang mga katulad nilang unggoy ang makakaintindi.
Bakit hindi natin i-boycott ang mga Korean telenovela na ipinalalabas dito sa atin? At tangkilikin lamang natin ang mga telenovelang sariling atin nang sa gayo’y mabawasan ang saksakang superiority complex ng mga Koreanong ito rito sa ating bansa.
Shooting Range
Raffy Tulfo