MALAKING karangalan but at the same time ay pressure din para kay Iana Bernadez ang maging anak ni Angel Aquino na isang magaling na aktres.
“It’s such an honor po to be her daughter,” proud na pahayag ng dalaga sa aming interbyu.
“Well, pag nasasabing… dahil po siguro hindi ako nag-come in to the industry na Aquino po yung gamit ko, laging parang after thought na, ‘Ah, anak pala siya ni Angel Aquino.’
“So at least yung entrance ko sa kahit ano pong gawin ko, kung hindi man nila ako kilala as Iana Bernardez muna and then after na lang yung, ‘Ah kaya pala magkaboses sila ni Angel, magkamukha.’ So the pressure medyo don nababalanse.
“Pag nasasabi pong kahulma ko siya, kamukha, it’s an honor kasi sino ba namang mahihiyang kamukha daw siya ni Angel Aquino. Siya yon, eh, ng galing niya, eh, so natutuwa din siyempre ako don of course,” paliwanag ni Iana.
Si Iana ang leading lady ni Christian Bables sa pelikulang Mahal Kita Beksman ng Viva at IdeaFirst Company na mula sa panulat at direksyon ni Perci Intalan. Kasama din nila sa pelikula sina Keempee de Leon at Katya Santos.
Ano ba ang karaniwang advice sa kanya ng mommy niya pagdating sa pag-arte?
Sagot niya, “Super pressure nga po kasi I’ve lived with her all my life, so pag nasasabi po na pareho kami ng pananalita, ng mannerisms, siyempre as a daughter gusto ko din naman ma-build yung sarili kong identity.
“Naririnig ko lagi yung voice ni mommy in my head when I throw lines, so I tried to find something different. Pero ang payo niya naman sa akin lagi is owning the space when I’m in the scene kasi medyo mahiyain pa ako so I have to own my space, own my character and just be as sincere as possible. Yon yung mga main payo niya po sa akin.”