IBA si Coco Martin bilang isang artista and as a film director ng pelikula niya.
As artista, alam natin na magaling ang aktor sa drama (hasa at sanay si Coco sa mga indie films noong nagsisimula pa lang siya) at maging sa aksyonserye na pinapatunayan niya via FPJ’s Ang Probinsyano now on its 4th year na umi-ere after TV Patrol sa Kapamilya Network.
As director of the Metro Manila Film Festival 2019 entry na “3pol Trobol: Huli Ka Balbon”, all praises ang mga artista niya sa kanya.
Madiskarte. Magaling mag-direk at higit sa lahat, disciplinarian sa set.
Tulad sa binanggit na ni Ai Ai delas Alas sa interbyu natin sa kanya, hindi lang ang komedyante ang may say tungkol kay Coco.
“Perfectionist si Coco at napaka-professional pagdating sa trabaho at nakakahawa ito kaya mahihiya ka kung hindi mo rin ito gagawin,” messenger chat namin kay Edu Manzano na absent sa almost complete cast na dumalo sa media conference pelikula last Wednesday sa isang hotel sa Kyusi.
Sina Edu at Coco, sa aksyonserye na FPJ-AP ay nagkasama na kaya hindi na bago ang working relationship nilang dalawa.
All-Star cast ang MMFF 2109 entry ng actor-director. Pinaghalo niya ang mga artista ng Kapamilya (Joey Marquez, Sam Milby, Carmi Martin, Mitch Valdes, John Prats at marami pang iba) at GMA Kapuso network sa pangunguna ni Ai Ai delas Alas and Jennlyn Mercado with Super Tekla, Boobsie Wonderland and more.
Sa credits ng pelikula, as director of the film, ang gamit ng aktor sa credits ay ang totoo niyang pangalan na Rodel Nacianceno. Si Coco din ang producer ng pelikula under his CCM Productions.
Kung sa realidad ay may ‘rivalry’ sila, with Coco, binubura niya ang ‘gap’ ng mga artista na likha ng mga istasyong pinagsisilbihan nila.
Kumbaga, lahat ay pantay-pantay. Sa mata ng aktor at bilang director, pare-pareho ang pagtrato niya sa kanyang mga artista.
Sa paglabas ng column item na ito, malamang ay nakabalik na si Coco from Germany para asikasuhin naman ang promotion ng MMFF 2019 entry niya.