ISANG MAPAGKAKATIWALAANG SOURCE ang nag-tip sa inyong lingkod tungkol sa dahilan ng diumano’y tangkang pagpapakamatay kamakailan ni (dating Dr.) Hayden Kho. At love life-related ‘yon.
Ayon sa aking informant, matindi raw ang naging pag-aaway nila ng kanyang nobyang si Dra. Vicki Belo (so, they haven’t broken up, after all) na natuklasang meron na namang ibang babae ang boypren. Teka, this is becoming vicious cycle, wala na bang bago?
To begin with, Hayden’s suicide try was not the first. Ang dahilan na nagtulak din sa kanya na gawin ‘yon wasn’t new either. At ang culprit being his seemingly unstoppable pambababae ay hindi rin nakapaninibago.
Ang nakapagtataka, and this I told my source, bakit si Vicki na siyang mas dapat apektado ay hindi nagkaroon kailanman ng suicidal tendencies? Nagsisilbi pa ngang therapy ni Vicki sa kanyang depression ang kanyang mga lavish trips abroad.
As we all know, temporary lang naming revoked ang medical license ni Hayden. In two years ay maaari siyang muling makapag-practice ng kanyang propesyon. But with his “suicidal background,” sino pang pasyente ang magtitiwala sa kanyang medical advice, if he badly needs serious medical attention himself?
MAGSISIMULA NA BUKAS, December 10 ang makatas na pakulo ng Juicy billed Juicy Days of Christmas kung saan buena manong celebrity na isasalang si KC Concepcion.
Susundan ito ni Ogie Alcasid (December 11), ni Roxanne Guinoo (December 14), ni Baron Geisler (December 15), ni Lucy Torres-Gomez (December 16), ni Ryan Agoncillo (December 17) at ni Paolo Bediones (December 18).
Of the guests in the lineup, least interesting para sa akin si Baron na mas mapakikinabangan, hindi sa talakayan, kundi sa tagayan!
TULAD NG CHRISTMAS treat ng TV5 for the entertainment press, isinunod din ng ABS-CBN sa tema ng kanilang programang It’s Showtime ang konsepto, using its Dolphy Theatre as venue kung saan nagpakitang-gilas ang mga talentadong press.
Amidst the excitement, naging bulung-bulungan among the press members kung kailan naman daw ang pa-party ng GMA-7. How would I know, eh, hindi naman po imbitado sa mga pa-presscon ng Kapuso Network ang inyong lingkod? May mga nagsasabi kasi na sa halip daw magdaos ng party ang GMA, bahagi ng gastusin ay ido-donate na lang sa mga typhoon victims. If so, nauunawaan ng press ang maganda nitong layunin.
Pero kung last minute ay maisip ng GMA na ituloy ang press party, sana’y umiwas na lang ito sa patterned after any of its talent search programs (‘yung kay Michael V., Pinoy Records, among others) ang tema since TV5 and ABS-CBN have so successfully done it.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III