HINDI AKO sang-ayon sa opinyon ng isang entertainment columnist sa isinulat niya na nabili na ni Coco Martin ang press na dumalo sa press preview ng kanyang MMFF 2017 entry na Ang Panday cum Christmas Party-Thanksgiving ng aktor
Porke’t nag-share si Coco ng kanyang biyaya na hindi na ito bago kung kilala mo siya bilang isa mga artista na may magandang ugali at generous ay bobolahin na ng press ang publiko para maging #1 siya sa box-office para sa MMFF 2017 entry niya kung saan siya ay artista-producer at nag-direk.
Bad trip. Paskong-Pasko, umiiral pa rin ang inggit. Gusto mo bilhin ang opinyon ko? Baka mamulubi ka.
Mas maigi, pakiusapan mo ako na tulungan ka na kahit walang sobre at tutulungan kita mag-promote ng kung ano man pelikula ang pinu-push mo basta maganda sa panlasa ko, pasado at gusto ko ay hindi ka mahihirapan at asahan mo ang ayuda ko.
Hindi fair kay Coco ang gustong isyu na ipalutang ng naturang senior columnist at intrigahin na nag-effort na pagandahin ni Coco ang kanyang obra para ikatutuwa ng mga bata at buong pamilya ay babahiran niya ng intriga.
Huwag na po kasi uminom ng ampalaya juice para mabawasan ang emote mo. Oo nga pala? Hindi kita napansin sa preview at pa-Christmas party ng Ang Panday. Ooopps… now ko lang nalaman kaya naman pala waley ka.
Paano ko paniniwalaan ang opinyon mo kung sa simula ay bias ka na? Kaloka ka teh!
Ang publiko ang magde-decide kung gagawin nilang #1 sa takilya ang pelikulang Ang Panday. Ang press, miron lang. Ang manonood ang bibili ng ticket at ang mga fans at supporters ng aktor. Sila ang magluluklok kung sino sa tingin nila ang numero uno sa darating na MMFF 2017.
Sa Ang Panday, sigurado ako magugustuhan ito ng mga bata at ng buong pamilya.
Reyted K
By RK Villacorta