IBANG TIMPLANG “LOVE STORY”: GAGO BOY + USER GIRL = SID & AYA

Sid & Aya director Irene Villamor, Dingdong Dantes and Anne Curtis

GAGO BOY PLUS USER GIRL. Bonggang kombinasyon ito at gamitan na kuwento ng isang bagong pelikula.

Sa trailer pa lang ng bagong movie nina Dingdong Dantes at Anne Curtis, mukhang exciting ang pelikulang pagsasamahan nila na Sid & Aya (Not A Love Story) na feeling ko, something sexy, sensual na story ni Direk Irene Villamor of Camp Sawi fame.

Dalawang kaluluwa na nagtagpo na nagmahalan ang peg sa kabila ng kanya-kanyang karakter at pagkatao.

Papaano na ba ma-inlove ang isang gagong si Sid (Dingdong)? Papaano naman kaya magagamit ang isang emosyon ng isang user tulad ni Aya (Anne)?

Interesting sa amin ang trailer. May landi. May “libog” kahit sabihin na hindi naman sexy film ang naturang obra ni Direk Irene na kinabibilangan nina Gabby Eigenmann, Joey Marquez, Jobelle Salvador at marami pang iba.

SID & AYA cast and crew in Japan

Sa katunayan, nag-shoot pa ang production team ng Sid & Aya sa Japan.

Kuwento nga ni Dingdong: “In my 20 years in the entertainment industry, ngayon lang ako nakapag-shoot ng movie sa ibang bansa. I’m lucky to have worked with this efficient, ingenious and talented skeletal 20 plus man team of Sid & Aya. Ibang klase talaga ang team.

SID & AYA movie poster

Dagdag pa ni Dingdong, “I enjoyed working with them. Anne is funny. Nag-enjoy ako sa shooting.”

Ngayon na uso ang mga pelikula na ang mga karakter ay limitado lang sa dalaga, interesting ito sa mga millennials na tulad ng pelikulang Kita Kita nina Empoy at Alex De Rossi ay humakot ng pera sa takilya na sinuportahan ng mga makabagong kabataan.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleTHE MOVIE QUEEN IS BACK: Bea Alonzo, sino ang pipiliin kina Paulo at Derek sa ‘Kasal’?
Next articleSOFIA ANDRES’ BAD ATTITUDE STRIKES BACK

No posts to display