IBINUKING NI BINOE… MARIEL RODRIGUEZ, MALAKAS KUMAIN!

NAGING INSPIRASYON NI Robin Padilla ang pagmamahalan nila ni Mariel Rodriguez kaya nabuo ang pelikulang Tum: My Pledge of Love. Ang salitang ‘tum’ ay isang Hindu term na ang ibig sabihin ay ‘ikaw’.

Ito’y isang romantic drama na pinagsama ang pag-iibigan ng dalawang tao kahit may mga taong hindi naniniwala sa kanilang pagsasama, dala na ng kanilang magkaibang kultura at religious beliefs. Ngunit humantong ang mga ito sa sukdulan para maisip at ma-realize kung karapat-dapat sila sa isa’t isa. Isa itong bagong love story sa panulat at direksiyon ni Binoe.

Ang shooting ay ginanap sa India nung panahong nagha-honeymoon sina Robin at Mariel. Ang pelikula ay isang testamento sa kanilang pag-iibigan na siyang naganap sa kalagitnaan ng sinasabing most trying times ng kanilang relationship. Ipinagmamalaki ng action superstar ang kanilang na-accomplish sa panahong sinu-shoot ito sa India. Bukod sa tunay na istorya nila ito ni Mariel, ipinakita rin sa pelikula ang napakayamang kultura ng India.

Lalong tumindi ang pagmamahal ni Robin kay Mariel nung time na nagsasama na sila bilang mag-asawa sa India.

“Sobrang pag-aasikaso po sa akin ni Mariel kahit pagod kami sa maghapong shooting. Mamasahehin ako bago kami matulog. Gigising siya ng maaga para maghanda ng almusal. Kung anu-ano nga po ang niluluto ni Mariel kahit magkapaso-paso ng mantika ang balat niya. Naawa nga po ako sa kanya dahil siya lahat ang nag-aasikaso.

“Parang isang barangay ang papakainin niya sa dami ng kanyang niluto. Sa totoo lang, hindi po siya marunong magluto. Siyempre, kahit hindi ako nag-aalmusal sa umaga, kakainin ko na rin ang niluto niya. Ilang araw din ‘yun, hindi ko na matiis, kaya kinausap ko na siya na kape lang talaga ako sa umaga. Nang tumagal na, saka ko lang nalaman na malakas palang kumain itong si Mariel, kaya marami ang niluluto,” natatawang kuwento ni Robin.

Pagdating naman sa location shooting kanya-kanyang papel ang ginagampanan nina Robin at Mariel.

“Tulong-tulong po kami para mapa-ganda ito, kaya masyadong memorable sa amin ni Mariel ang pelikulang ito. Maipagmamalaki ko na lahat ng extra namin ay nasa India. Ang mga kasama po namin d’yan mga Indian actors at ang mga kalaban po natin d’yan mga well-trained Indian stuntmen. Sa totoo lang po, mahirap mag-shoot sa ibang bansa, pero nang mapanood namin ang kinalabasan ng pelikula sulit ‘yung hirap at pagod namin ni Mariel,” kuwento ni Robin.

Sang-ayon ba naman si Binoe sa sinabi ni Mariel na ayaw muna niyang magka-baby sila sa taong ito?

“Walang problema po sa akin ‘yan kung ayaw muna niya kaming magka-baby. Gusto muna kasi niyang magtrabaho at enjoy siya ngayon sa kanyang noontime show. Pareho kaming busy ngayon, kung saan po maligaya si Mariel nakasuporta po ako.”

The ever-youthful leading man Robin does not even forget na banggitin kung gaano ka-cooperative at kamangha-manghang makatrabaho ang ibang cast tulad nina Eddie Garcia, Ejay Falcon, Kat Alano, Rich Herrera, Datu Khomeini, Nash R. Raza and Robin’s daughter Queenie. Ipapakita rito ng dalaga ang taglay niyang galing sa pag-arte. Ang pag-atake niya sa kanyang character na naiiba dahil natural. Makikita din natin may kakayahan siya sa Hindu accent.

The movie’s cinematography will also capture ang mga malalawak na sceneries, pati ang district na arkitektura ng India. Katulad ng kanilang mga printadong sarong o djelabas, mararamdaman natin ang napakagandang pagsasama ng Pinoy perspectives at Bollywood sensibilities. Makikita natin ang isang magandang classic film nina Robin at Mariel dahil timeless ang istorya at mananatiling sariwa sa isipan ng manonoood kahit anong panahon.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleJACKIE RICE, TULOY NA ANG PAGSISID!
Next articleYACHT ROMANCE NG MGA SIKAT

No posts to display