AT LAST, FOR the first time maipalalabas na ang father and daughter team-up in real life na sina Gabby Concepcion at KC Concepcion sa pelikulang I’ll Be There na idinirek ni Maryo J. Delos Reyes under Star Cinema. Maraming nakaiintrigang eksena raw ang dalawa na hango sa tunay na experience nila.
“I don’t know how the creative team researched… who wrote the script… did for the story in terms of trying to interview KC and Gabby… how they are related to each other. But I’ve felt there are some scenes that touched their true-to-life experiences. I don’t really cry in their private life, but I just executed some scenes within the script which I felt would be… magti-trigger para ma-develop ‘yung kuwento. ‘Yung emotion, siguro malinaw na totoo. Pero ‘yung situwasyon, maaaring ma-defy or kaya na-re-edit para tumugma sa pangangailangan ng kuwento,” paliwanag ni Direk Maryo.
“I agree with Direk Maryo, the emotion is totoo. May mga eksena kami ni KC na talagang minsan nga, iniisip mo lang, napapaluha ka na. Hindi naman ganoon ‘yung istorya na tatama sa totoong buhay namin. Ayaw rin namin ‘yung totoong buhay namin, isasapelikula. Ini-interview kami, hindi pinatern sa buhay namin. May mga totoong scenes like ‘yung Starfish, nu’ng nasa beach kami, itinuro ko sa kanya ‘yung mga naaalala niya noon na mga sinabi ko sa kanya,” dugtong naman ni Gabo.
Mga bagay na naaala ni KC sa Daddy Gabby niya before ‘yung reconciliation nilang dalawa. “Very fun po kasi si Papa kaya siguro marami siyang chicks dati na nakikilala ko rin. Naaala ko ‘yung pagka-adventurous niya. Eight years old pa lang ako, nangangarera na ako sa jetski kasama niya. And then, na-save ko pa siya dahil naubusan siya ng gas so, ako pa ‘yung nag-rescue sa kanya, eight years old pa lang ako noon. Para siyang barkada pero at the same time, dinidisiplina rin niya ako in a way na hindi niya ginagawa before. Ang dahilan niya, minsan na nga lang kaming magkita pagagalitan pa niya ako… parang huwag naman. Pero ngayon, close na uli kami. Minsan, binibigyan pa rin niya ako ng advice, sinasabihin niya ako, pinagpapayuhan niya ako. Lalo na ro’n sa pagdating sa sasakyan, ‘pag nasira ‘yung sasakyan, sa work, friends,” say ni KC.
Sa tagal nang paghihiwalay nilang mag-ama, sa tingin kaya ni Gabby, nakabawi na siya sa mga pagkukulang niya kay KC bilang ama? “Bawing-bawi… parang kulang pa, pero kahit na nandito na ako, maski nagsu-shooting kami, parang bitin pa rin. Ito na ‘yung pinakamaraming araw na magkasama kami at masaya ako ro’n,” masayang sabi ni Gabo.
How does it feel na makasama ni Gabby ang kanyang anak na si KC sa pelikula? “Hindi ko naisip na agad kaming makapagtatrabahong mag-ama. Nag-usap kami ni Sharon na hindi namin siya ihaharap sa kamera, pelikula, TV… hindi namin siya ie-expose. Noong nasa Amerika ako, nakahiligan niya ang mag-theater, sinuportahan na lang ni Sharon ang gusto niya. Kung anuman ‘yung gusto niya, ‘yun naman ang masusunod kahit sabihin naming huwag. So, ‘yun na ‘yun. Hindi ko naman akalaing tatagal ako rito sa Pilipinas. Akala ko, sandali lang ako. So, another surprise na magkaroon ako ng kontrata sa Dos. Kumbaga, inalok pa kami ng Star Cinema ng pelikula ni KC so, talagang surprise, hindi ko akalain na mangyayari lahat ‘yun. Ngayon, magkasama kami, napakasarap ng feeling, parang gusto mong kunin, bawiin na makahanap sana ng tiyempo habang nandito ako, mahigit pa, gumawa pa kami ng pelikula, halos araw-araw kaming magkasama,” pahayag niya.
Positive attitude na hinangaan mo kay KC at mga bagay-bagay na gusto mong mabago sa kanya? “Maraming bagay na nagbabago sa isang tao, every year, every second… every five years, nagbabago tayo. Ang nakita ko kay KC na pareho pa rin, ‘yung ugali niyang mabait siyang bata. May mga bata kasing pilyo. May mga bata na paglaki, mapapansin mo, may ugaling hindi mo gusto. Although na anak ko si KC, sa kanya napansin ko, honest na honest siya, bata pa lang siya ganoon naa siya. As a father, tuwang-tuwa ako and I’m very proud of that, dahil ganoon pa rin ‘yung ugali niya, mabait,” pagmamalaking sambit ng aktor.
Advice na ibinibigay ni Gabby kay KC? “Advice na nanggagaling sa akin… nanggagaling din sa kanya ang tanong. Hindi ko siya binibigyan ng advice, unless hingan niya ako,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield