Ibon sa Himpapawid

SA GROTTO ng mahal na Birhen ng Guadalupe sa aming lanai, naka-kuwadro ang isang paborito kong passage mula sa Banal na Aklat: “Look at the sparrows so small and light not one is forgotten in God’s sight. So rejoice in His love and take delight you are worth more than hundreds of sparrows.

Sa harap ng milyung-milyong nagugutom at naghihirap sa buong mundo, maaaring hindi natin maintindihan o matanggap ang Biblical passage. Paano mangyayari ito?

‘Di hubad ang katotohanan na ang lahat ng bagay sa ating mundo ay ipinagkaloob na sa atin ng Maykapal. Araw, ulan, hangin, apoy, punung-kahoy, halaman, minerals, lamang-lupa, lamang-dagat at iba pa – essential sa ating pagkabuhay – ay nasa ating kapaligiran. Walang rason para maghikahos o magutom. Ang kayamanan ng kalikasan ay biyaya ‘di lamang sa iilan kundi sa lahat-lahat. Pantay-pantay dapat ang oportunidad ng lahat.

Ngunit bakit lahat ay naging kabaligtaran? Bakit ang gutom at kahirapan ang patuloy na umaalipin sa milyung-milyong mamamayan?

Kasakiman. Tinatantsa na mahigit 4.7 milyong Pinoy ang nakaranas ng gutom nu’ng nakaraang taon. Ibig sabihin, sa loob lang ng dalawa o tatlong araw sila kumakain sa isang linggo. Napapanood natin sa TV ang kalunus-lunos na kalagayan sa gutom ng African countries. Samakatuwid, ang pananagutan ay sa atin, ‘di sa Maykapal. Ang tatak ng kasakiman sa ating pusod ang dahilan.

Ngunit masdan natin ang mga ibon sa himpapawid. Nagbibigayan. Naghahatian ng pagkaing dulot ng Maykapal. ‘Di suliranin ang kagutuman. Sapagkat maski wala silang isip, ‘di sila sakim. ‘Di maipagkakatwa na mahal tayo ng ating Banal ng Lumikha. Sabi sa Mahal na Aklat, kung ang mga walang kaluluwang ibon ay mahal at pinakakain ng Banal na Lumikha, tayo pa kaya. Ang puno’t dulo ng suliranin ay kasakiman.

 

SAMUT-SAMOT

 

DALAWANG TOP executives ng Batangas University ang sinampahan ng graft cases dahil diumano sa pagko-corner nila ng pagbebenta ng graduation gowns sa mga estudyante nu’ng 2006. Sinabi ng Sandiganbayan na si former president Ernesto Dichavez at vice president Rolando Lontok ay maaaring magdusa na kulang-kulang na 10 taon. In its 10-page decision, Sandiganbayan said: “There is conspiracy when two or more persons come to an agreement concerning the commission of a felony and decide to commit it. The students were deprieved to seek cheap rental fees from other sources.”

THE CATHOLIC Bishops Conference of the Philippines (CBCP) has tapped boxing champ Manny Pacquiao in its bible-reading campaign. From October 2012 until October 2021, the Catholic Church will be celebrating its 500th year of the coming of Christianity to the Philippines. Dahil dito, dapat palawakin ang habit ng pagbabasa ng Bibliya sa mga Katoliko.  Subalit bakit isinama sa kampanya si Pacquiao?

 

PALPAK ANG paglago ng ating ekonomiya nu’ng nakaraang taon. It grew by a measly 3.7%. Sinisisi sa sitwasyon ang wrong economic focus, underspending on infra and industrial projects at ang global recession. Labis ang focus ng pamahalaan sa graft and corruption kaya nakakaligtaan ang importanteng concerns sa ekonomiya. Magdadalawang taon na si P-Noy, wala pang direksyon ang ating ekonomiya. Pasuray-suray. Malapit nang mag-comatose.

SIMULA NANG pumalo ang edad ko ng 68, naging suliranin ang paudlut-udlot na pagtulog. Mahigit pitong beses babangon sa madaling-araw para magbanyo. Subalit pagdating ng 3:00-4:00 a.m., kahit anong pikit ng mata, ‘di makatulog.  ‘Di rin nakatutulong ang panonood ng TV. Pagdarasal ng rosaryo ang aking mabisang solusyon. Balita ko, mga kasing edad ko, ganito rin ang problema. Si Pangulong Erap ay biktima rin. Nabanggit niya minsan sa akin na halos bukang-liwayway na siya bago makatulog araw-araw. Ayaw naman niyang uminom ng well-tolerated sleeping pills baka siya ma-addict.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleDroga sa Pasig at Bagman sa SPD
Next articleMedical Malpractice

No posts to display