Ibong Myna ni Erap

SAGLIT KO kayong kuwentuhan ng ibong Myna ni dating Pangulong Erap.

Ewan ko kung natatandaan pa niya ito. Kung sakali, matatawa siya at maaaring pahanap ako.

Ngalan ng ibon ay Consuelo, regalo ng isang political leader sa Palawan. Ako pa mismo ang napagbigyan at agad-agad kong sinabi kay Erap. Deadma siya kasi sa loob halos ng 2 dekadang pagkakilala ko sa kanya, ‘ala siyang kahilig-hilig sa mga animal pets. So, there.

Ako mismo ang nagtiyagang magpakain at mag-alaga kay Consuelo. Payat at masasakitin subalit pinurga ko ng bitamina at prutas hanggang lumusog at lumaki. Paminsan-minsan, napapansin siya ni Erap sa loob ng isang malaking steel cage sa Polks residence niya sa Greenhills, San Juan.  Ngunit hanggang doon na lang.

Pagkaraan ng anim na buwan, nagulat ako ‘sang umaga nang abutan ako ni Erap ng ‘sang sobre. Iyo ‘yan. Malaking naitutulong ng ibong Myna na inaalagaan mo.

Tumalikod siya habang ako’y nagkakamot ng ulo. Si Aling Mely, mayordoma sa bahay ang nagpaliwanag. ‘Yon ibon ay kuhang-kuha ang tunog ng ubo at tawa ni Erap. Pati busina ng kanyang kotse. Tuwing ginagawa ng ibon ‘yan, alerto kami lahat dito. Kasama ang mga gwardiya na mahilig maglaro ng pusoy at matulog. Akala naming lahat si sir na… boses na boses niya.

Natawa ako nang napakalakas. Sabay takbo kay Consuelo na kasalukuyang kumakain ng saging. Galing mo, hija. Kita mo binalatuhan ako ni boss. May premyo ka pang saging sa akin.

‘Di pa ako tapos, biglang sumigaw ng malakas si Consuelo. Kung hindi mo siya kaharap, boses na boses talaga ni Erap.  Alam ninyo ang isinigaw: Pangit, pangit, pangit.

SAMUT-SAMOT

 

NAKARAANG BUWAN, first death anniversary ng da-ting Cabinet member, Angelo Reyes. Ayoko nang balikan pa ang detalye. Masakit pa sa loob ko. At pinaabot ko sa pamilya ang aking pakikidalamhati. Nu’ng termino ni dating Pangulong Erap, magkasama kami sa gabinete at naging malapit na magkaibigan. Ang pagkakaibigang ‘yon ay tinuring kong kayamanan. Ngunit sa ibang dako, si Angie ay tahimik at maligaya na ngayon sa Sinapupunan ng Maykapal. Ligtas sa sakit at masalimuot na suliranin ng buhay.

ISANG CHINESE cager of Taiwan descent ang heartthrob ngayon sa NBA – Jeremy Lin. Sumusunod siya sa yapak ng retired Chinese player Yao Ming. Seldom used in earlier games, he was given the opportunity to play last month when top player Carmelo Anthony was injured. Lin, a Harvard college graduate, immediately showed his exemplary skills and led the New York Knicks to six consecutive victories. However, last week, he was sidelined for a series of ankle injury that needed surgery.

POLICE ARE searching for a man convicted of threatening to kill Madonna who walked way from a Los Angeles Mental Hospital last week. Police identified the stalker as Robert Dewey Hopkins. He was sentenced a 10-year prison. The 54-year old convict is said to be highly psychotic and can be extremely violent.

KAILANGAN NGA Good Samaritans para tumulong makilala ang nag-hit and run kay Alexander Luistro, dating barangay captain ng Ayao-Ilon in Batangas province sa Ayala Ave., Makati kamakailan. Kotse ng nakasagasa ay isang 1992 Toyota or Nissan. Si Luistro ay namatay sa brain injury. Sa nakasaksi sa aksidente, paki-contact si SPO2 Marti Cesar P. Bueno, Makati Traffic Bureau.

A QUEZON City councilor has urged Q.C. Hall employees and students to abstain from eating meat on Mondays to improve their health. Q.C. Councilor Jessica Castelo-Daza has suggested that according to research, a vegetarian diet reduces the risk of being afflicted with obesity, hypertension, diabetis, and cancer. The program, patterned after the “Meatless Monday” program of John Hopkins University, aims to promote a healthier diet at least once a week.

TULUYAN NANG annulled ang kasal nina James Yap at Kris Aquino. Both of them haved moved on. Bumalik si Kris sa dating pagkamasayahin at walang bakas na naiwan sa hapdi ng paghihiwalay. Ganyan din si James. Sa totoo lang, naaawa ako kay Kris. Bakit malas siya sa pag-ibig? Kung tutuusin, nasa kanya ang lahat ng katangiang dapat hanapin ng ‘sang lalaki. Ano bang jinx ang tumama sa buhay niya? She deserves a happy and successful marital life.

ANG WALANG katapusang away sa publiko nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro ay ‘di na nakakatuwa. Sana’y magkaayos na sila. Pagod na ang publiko sa mga eskandalo at away na walang katuturan Pareho na silang nasa mature na edad. Magpakita sila ng magandang halimbawa sa kanilang kaanak at publiko. O gimik lang away nila para mapansin?

WIKA NI Sec. Edwin Lacierda pag nagtuloy-tuloy ang developing love affair ng Pangulong P-Noy at Grace Lee, dadagsa ang Korean tourists sa bansa. ‘Di na kailangan sa ngayon, dami nang Korean tourists at estudyante sa atin. Mababait ang mga Koreano kasama ng mga kapit-bahay ko rito sa ‘sang subdivision sa Pasig. Ano ba talagang score? Sana’y di na maunsyami this time ang Pangulo.

SEMANA SANTA. Paggunita sa kalbaryo at paghihirap ng Mahal na Hesukristo. Kinaugalian ko na ang Visita Iglesia sa mahigit na 16 na simbahan sa Rizal at Laguna ‘pag Holy Thursday at Good Friday. Isa ito sa maituturing na panata at pagtitika sa kasalanan. Kasama ang ‘sang pinsan at dalawang malapit na kaibigan, lakad kami umaga pa sa San Pablo, Laguna hanggang Pagsanjan. Pagkatapos, tuloy sa ilang simbahan sa Rizal. ‘Di kami inaabot ng ritual ng “Siete Palabras” at prusisyon sa gabi. Salamat ‘di pa nawawala ang init at fervor ng spiritual tradition. Masyado nang naging materyalismo ang mundo. Ngunit napakarami pa ring taong ang pananampa-lataya ay isinasabuhay araw-araw. Sa Paglilingkod sa Diyos at kapwa.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleGustong Itama ang Birth Certificate
Next articleRiding in Tandem

No posts to display