HINDI RAW maiwasang ma-bad trip si IC Mendoza dahil after masibak dati ang kanilang talk show, hindi na siyan muling nabigyan ng TV 5 ng another talk show at isinama na lang siya sa comedy serye na Confessions of a Torpe.
Tsika nga ni IC sa Final 20 selections ng Little Miss Earth Philippines na ginanap last April 21 sa Manila Ocean Park Activity Center, sana raw ay mabigyan siya muli ng panibagong talk show dahil ito raw talaga ang gusto niyang gawin.
Sa ngayon daw, nag-end na ang contract niya sa TV5 at puwede na siyang rumaket sa iba’t ibang TV networks. Naghihintay na lang daw si IC ng panibagong trabaho na magpapakita ng kanyang husay bilang talk show host na kanyang namana sa original Queen of Talk na kanyang yumaong lola na si Ms. Inday Badiday at loving mommy na si Ms. Dolly Ann Carvajal.
Bukod sa comedy serye, busy rin si IC bilang PR man ng Miss Teen Earth Philippines at Little Miss Earth Philippines na ang layunin ay ikalat ang awareness about the different environmental issues, organize activities to help preserve nature and be able to mobilize Filipinos to act with love and purpose in creating a cleaner, greener environment. At ito’y nakatakdang ganapin sa May 27, 2014 sa Mall of Asia Arena at mapapanood sa June 1, 2014 sa GMA 7’s Sunday Night Box Office. Mula sa Captured Dream Productions ni Mr. Vas Bismark.
NAGING MASAYA at memorable ang aming trip noong Holy Week sa Mangaan, Santol, Balaoan, La Union para sa Herminigilda at Cornelio Fontanilla Reunion (April 19) at doon na rin namin isinelebra ang kaarawan ng aming yumaong ama na si Mr. Monico Orina Fontanilla.
It’s been 30 plus years na pala akong ‘di nakauuwi ng La Union kaya naman super excited ako na makita muli ang lugar kung saan ipinanganak ang aking Tatay Nick at makita ang aming mga kamag-anak doon at pati na rin ang mga kamag-anakan namin na nasa Manila at ibang bansa na umuwi para sa nasabing reunion.
Doon ko nakitang muli ang aking mga uncle at auntie na sina Auntie Pesing Ubaldo at mga anak na sina Ate Marilou, Kuya Mario, Isang, Zaldy at Nestor kasama ang kani-kanilang mga asawa at anak, Auntie Susing Victore at mga anak na sina Josefa, Dyanong kasama ang kanilang mga asawa at anak at sina Jayson at Jocil, Auntie Melia at Uncle Oriente kasama ang mga anak na sina Ito, Fely, Manilyn, Vic, Tony, Marlo, at Remy kasama ang kanilang mga asawa at anak, Auntie Rose Navarette at anak na si Eya, Uncle Narding at Auntie Anita, Uncle Anton at Auntie Dameng at mga anak na sina Jesus, Jennifer at Lito kasama ang kanyang anak, Uncle Cirilo at Auntie Lily kasama ang mga anak na sina Larry, Maricel at Maricris kasama ang kanilang mga asawa’t anak at sina Criselda at Maju, Kuya Jessie at Ate Virgie and son Jeric, Kuya Floresto “Boy “Fontanilla na siyang representative ni Uncle Floresto Fontanilla kasama ang kanyang asawa na si Ate Felit at anak na sina Eduardo at Joe at mga kapatid na sina Manang Fely and Kuya Kepweng Amoite, Manang Nena and Kuya Viven Hernandez at mga anak na sina April and husband at Mekay, Manang Susan at Kuya Rey Murillo at anak na si Jhesan, Manang Emeng at Kuya Pablo kasama ang mga anak na sina Paula, Pamella at Manu, Ate Rosie kasama ang kanyang asawa at mga anak at ang kanyang kapatid na si Buena kasama ang asawa’t anak na siyang representative naman ni Uncle Domeng, at Uncle Anghel kasama ang kanyang mga anak na sina Ate Gina at Ate Irene kasama ang kanilang mga asawa at anak.
Habang kami naman ang representative ng aming amang si Monico Fontanilla kasama ko ang aking mga kapatid na sina Ate Bhabes Go at mga anak nito na sina Patty at Wilson, Jojo at Donna Fontanilla at mga anak nito na sina JM, Monica at Clarence, Lorna at asawang si Darius Pastrana at anak na sina Cyrus, Athena at Troi, at ang aming Nanay Leonora Fontanilla.
Priceless ang kasiyahang naramdaman ng buong Fontanilla Clan nang araw na iyon, dahil muling nagkasama-sama , nagkita-kita at nagkausap ang lahat na ilang dekada na yatang hindi nagkikita-kita at nagkaroon ang mga bagong henerasyon ng mga Fontanilla na makilala ang isa’t isa. Kaya naman bago nag-uwian ang lahat ay nangakong magkakaroon muli ng reuinon after 2 years.
John’s Point
by John Fontanilla