BAGO PA lamang nag-direct ng kanyang entry film na K’na: The Dreamweaver sa New Breed Category ng 10th Cinemalaya Filmfest ang ating bida na si Direk Ida Anita Del Mundo. Siya ay mula sa clan ng kilalang writer na si Clodualdo Del Mundo, Sr. Ang kanyang lolo ang siyang nagsulat ng Prinsipe Amante, Malvarosa at Kadenang Putik. Ang kanyang amang si Doy naman ay isa ring screenwriter ng Bayaning Third World, Maynila, sa Kuko ng Liwanag, Kisap Mata, at nag-direk ng Pepot Artista.
Si Ida Anita del Mundo ay writer sa Philippine Star’s Starweek Magazine at isang musician. Nagtapos siya sa De La Salle University ng MFA sa Creative Writing. Sa gulang na tatlong taon ay tumutugtog na siya ng violin. Sa ngayon, siya ay miyembro ng The Manila Symphony Orchestra. Narito ang aking interbyu sa kanya.
“I am the director of K’na, The Dreamweaver. Na-inspire po ako kasi sa mga T’boli, ‘yung tribe nila. Pumunta po ako doon last year. Maganda ‘yung traditions nila. Ang bida po natin ay si Mara Lopez.”
Ah, bukod sa na-inspire ka, naisip mo ba siya na kakaiba noong nakarating ka sa kanila? “Ah. oo, kasi nakarating na ako sa kanila, sa community nila. Nag-stay ako roon at nakasama ko ‘yung mga T’boli,” ani Ida.
Ah, nu’ng ipaliwanag mo sa mga T’boli na kasama sila, feeling ba nila artista na sila kaagad? “Ah, hindi. Lahat sila ay first time po lahat sa pag-acting. Ito pala ang first T’boli film.”
Magkano naman ang inabot ng cost ng film? “Ah. sinunod lang naming ‘yung sa Cinemalaya, ‘yung thre (3) million.”
Wow! Sabagay sa mga costumes pa lang nila, mahal na. “Ah, opo. The costumes… and we have to bring the crew and the staff there in their place.”
Ah, bukod kay Mara, sino pa ang mga artista mo? “Ah, sina Ramon Khino (RK) Bagatsing, Alex Vincent Medina, Nonie Buencamino, Bembol Roco, Jr., Erlinda Villalobos.”
Ah, ‘yung kwento is about? “Ah, it’s about the T’boli princess who became a dreamweaver. It’s about her choosing between her love and serving her village.”
Samantala, sa nakaraang Cinemalaya Awards Night, nakuha ng K’na: The Dreamweaver ang Balanghai Trophy para sa Best Production Design at Special Jury Prize sa New Breed Category.
Nainterbyu rin namin ang bida sa pelikula si Mara Lopez. Anak siya ng dating BB. Pilipinas Universe 1982 na si Maria Isabel Lopez. Nakilala siya sa industriya ng telebisyon at pelikula nang siya ay sumali sa Survivor Philippines ng GMA 7.
Bakit sa tingin mo nahihilig ang mga artista ngayon sa indie? “Siguro dahan-dahan nilang napi-feel na kailangan nilang mag-improve as an actress. Para sa ibang bansa, maipakita rin nila ang galing ng mga Pilipino.”
Maganda ito para ma-expose ang mga artista natin sa ibang bansa hindi lang dito sa atin. “Opo naman po. Marami kasing makikita rito sa Cinemalaya. Marami tayong representation sa iba’t ibang bansa.”
Ah, bilang anak ni Isabel, painter din kasi ‘yan ‘di ba? Ano ang pakiramdam mo? “Ah, masaya. Minsan kinukuha na rin kami ng iba’t ibang director na mother-daughter kami. Masaya, kasi marami akong natutunan sa kanya and at the same time marami rin siyang natututunan sa akin.
How about your dad? “Ah, okey naman siya. Every single Cinemalaya nandito siya. Kaso nasa Japan siya ngayon.”
Ito ang larawan sa canvas ni maestro orobia e-mail: [email protected]/[email protected]
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia