KAMAKAILAN lang ay pumunta ang Kapuso actress and Starstruck alumni na si Jade Lopez sa Dubai at Abu Dhabi ang kanyang fiancé at magiging asawa in two weeks time na si Rocky Siccion.
Eleven years na silang magkarelasyon at tinanong ko kung ano ang pakiramdam na finally ay mage-exchange na sila ng I Do’s?
“Excited na rin ako, pero hindi pa ako masyadong nakakafocus sa feelings ko kasi marami pang last minute na kailangan asikasuhin… yung detailing. Pero looking forward na makapag-walk the aisle, say i do and makapag-celebrate with families and friends.” sagot ng upcoming bride ng showbiz.
Napansin namin sa kanyang social media months ago na ang mga ka-batch niya sa Starstruck na sina Cristine Reyes at Nadine Samonte plus another Starstruck graduate na si Stef Prescott ang napili niyang bridesmaids. Ano ang meron sa friendship niya with these ladies to deserve a role in her entourage?
“Si Cristine and Nads kasi talaga ang naging super close ko sa Starstruck. Kami yung nagkikita and naghahangout outside showbiz. Close ko rin naman ang ibang Starstruck pero silang dalawa ‘yung parang naging close to sisters ko and kahit hindi nagkikita nang madalas, alam kong nandun parin ang friendship.
“Si Stef naman talagang naging bestfriend ko yan nun nagkasama kami sa All My Life (panghapong programa nina Aljur Abrenica at Kris Bernal). Para kong naging kapatid kasi nga solong anak sya.
By the way, flower girl ko ang anak ni Yasmien. I wanted her to be a part of my entourage din kaso limited ang number of entourage so si Ayesha na lang ang lalakad.” pagshishare ni Jade.
Now that you’re getting married, ang ibig bang sabihin nito ay mag-lie low ka na sa showbiz?
“Hindi naman. As long as may offer, tatanggapin ko. Palabas na ‘yung movie namin with Maja and Zanjoe ngayong October 31 and I will be a part of another movie. Pero kung ibebless din naman ako agad ni Lord ng baby, syempre magiging happy ako. As long as kayang mag taping magtetaping ako. Supportive naman si Rocky.” pagtatapos ng October bride na magcecelebrate din ng kanyang birthday sa kanyang wedding day.
As early as now, congratulations Rocky and Jade!
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club