KUNG MAPAPANSIN, namamayagpag ang mga rom-com films na sariling atin. Tinatangkilik ng mga bagets ang mga pelikulang Pinoy gaya ng English Only Please, That Thing Called Tadhana, at Crazy Beautiful You. Magandang milestone ito para sa pelikulang Pilipino dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na kadalasan, mas pinipipili na lang ng mga bagets na ipalabas sa TV o kaya sa mga DVD ang mga pelikula kapag gawa ng kapwa Pilipino at mas pinapaboran nila ang mga pelikula ng banyaga.
Kaya naman noong Black Saturday, panibagong galak na naman ang naidulot sa Philippine cinema nang tumabo sa takilya ang panibagong rom-com sa taon, ang You’re My Boss. Sa unang araw pa lang ng showing nito, tumabo agad ito sa takilya at naka-P25 million sales ng tickets ito. Malaking achievement ito lalo na’t walang premiere night ang nasabing pelikula dahil nga nagdaan ang Holy Week.
Mula sa gumawa at nag-direk ng That thing Called Tadhana, kung saan ay nag-rank bilang highest grossing independent Filipino film of all time at ang writer ng English Only, Please na dinirektahan naman ni Direktor Dan Villegas na nanalo ng mga awards sa Metro Manila Film Fest 2014 tulad ng 2nd Best Picture, Best Story, Best Director, Best Actor, at Best Actress na nanggaling sa pelikulang ito at iba pang mga awards.
Ngayong 2015 naman ay ihinahandog ni Director Antoinette Jadaone, kung saan kilala sa mga breakout romantic-comedy films at sa mga hindi makalilimutang mga “hugot lines” sa kanyang mga pelikula, at ng Star Cinema ang You’re My Boss.
Ang You’re my Boss ay handog ng Star Cinema ngayong summer para sa ating lahat, kung saan ito ay pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Coco Martin na sa unang pagkakataon ay magsasama sa isang proyekto o pelikula ang dalawa. Ito ay pinalabas nu’ng April 4, 2015. Ito ay walang premiere night dahil ito ay natapat sa Holy Week, pero kahit ganoon pa man ay bumawi ang mga cast nito, sila ay nag-mall tour bago mag-Holy week para sa pelikulang ito. Wala mang premiere night, pero sa unang araw pa lamang nito na ipinalabas sa mahigit 175 na sinehan dito sa ating bansa ay kumita na ito ng P25 million.
Ang You’re my Boss ay isang romantic-comedy, kung saan kuwento ito ng isang boss at assistant at ang kanilang mga mundo ay babaliktad. Babaliktad ang kanilang gagampanan, kung saan ang assistant ay magiging boss at ang boss naman ang magiging assistant nito upang mag-close ng deal sa mga Japanese investors at ating tingnan ang kanilang mga masasayang moments para magawa ito at kung saan aabot ang pagsasama nilang dalawa kung magkaka-ibigan ba o kaibigan na nga lang ba na babalik sa dati bilang isang boss at isang assistant.
Kahit halos isang buwan lamang nila ginawa ang pelikula, 18 shooting days at shinoot ito sa Makati City at sa Batanes. Ganoon pa man, ito ay naging successful sa opening at talagang nagdala ng ngiti at saya sa mga manonood. Iba’t ibang magagandang feedbacks ang nasabi sa pelikula na ito, dahil nag-work-out talaga ang unang pagsasama nina Toni at Coco. Kaya sa mga hindi pa nakanonood ng You’re my Boss, tara na at suportahan ang mga pelikulang gawang Pinoy.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo