Ilang Tanong Hinggil sa Medical

SA ISANG jobs fair ay naka-kilala ako ng agency na nag-aalok ng trabaho sa abroad. Pinagre-report nila ako sa opisina nila para ma-interview. Pero kailangan ay dala ko na raw ang resulta ng aking medical. Gastos din po ito. Isasagawa ko na po ba ito? Puwede po bang isagawa ko ito pagkatapos na interview? — Jennifer ng Naga City

 

REQUIREMENT TALAGA ang medical bago ka makapag-abroad. Anong klase ang gagawing medical? Depende ito sa hinihingi o requirement ng employer. Iba-ibang employer ay iba-iba rin ang klase ng hinihinging medical.

Tungkol naman sa clinic o laboratory, ang ahensiya ang magsasabi sa iyo kung ano ang mga clinic na puwede mong puntahan. Pero tiyakin mo lang na accredited ng DOH ang nasabing mga clinic.

Sa kaso mo, hindi rin dapat i-require agad ang medical hanggang hindi ka pa nai-interview at nagpre-qualify. At mas mahalaga, huwag kang magpapa-medical hangga’t walang kontrata para sa iyong employment. At ang kontratang ito ay dapat aprubado ng POEA.

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].   

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous articleDolphy, patay na ginagamit pa ng salbahe sa social media!
Next articleGambling sa Pampanga, Quezon City at Bus Drivers

No posts to display