Illegal fishing sa Quezon!

NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming texthotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.

Reklamo ko lang po ang illegal fishing dito sa Unisan, Quezon Province. Talamak po ang boli-boli kung tawagin sila rito. Sumisira po sila ng corals at wala silang pinipiling isda, kahit maliliit ay hinuhuli nila. Kawawa naman ang mga maliliit na mangingisda rito. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin.

Ire-report ko lang po sana ang mga naka-park na sasakyan along 9th Avenue, HHSG North Signal Village, Taguig City. Busy road po ito lalo na kapag rush hour, pero marami pong naka-park na sasakyan dito lalo na kapag weekend. Sana po ay mabigyang-pansin.

Gusto ko lang po ireklamo ang kalsada rito sa Mauling Creek, Lower Bicutan, Taguig dahil masikip na nga po ay ginawa pang tindahan iyong kalsada. Hindi na rin makadaan ang mga sasakyan dahil kaliwa’t kanan ang parking ng mga sasakyan. Sana po ay matawagan ninyo ang kinauukulan para maaksyunan ang aming hinaing.

Hihingi po sana kami ng tulong bilang concerned citizen, dahil dito sa lugar namin sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City ay sobrang traffic lalo na sa hapon kasi ang mga nagtitinda ay nasa gitna na sila ng kalsada. Baka puwedeng mabigyan ng aksyon. Maraming salamat po.

Itatanong ko lang po kung tama po na kapag kumuha ng barangay clearance ay kailangang magbayad ng P70.00 at kapag barangay ID naman ay P100.00 ang halaga?

Isa po akong concerned citizen dito sa Basco, Batanes. Sa Batanes National Science High School po kasi na isang public school ay nangongolekta ng P490.00 para makapag-enrol ang mga bata. Bagama’t hindi ko alam kung para saan iyon, ang alam ko ay public school ay hindi dapat nangongolekta ng kahit ano mula sa mga estudyante.

Concerned citizen po ako rito sa Bacoor, Cavite. Sana po ay matulungan ninyo kami para maipaalam sa kinauukulan iyong tawiran po namin dito ay nakatatakot po kasing tumawid sa Aguinaldo Highway dahil wala pong pedestrian lane. Wala ring traffic enforcer dito.

Isusumbong lang po namin na mahigit tatlong taon na naming problema ang mga street vendor sa Dangay Street sa may likod ng Waltermart North Edsa dahil hindi na po halos madaanan lalo na at sobrang traffic sa Roosevelt Avenue dahil sa gitna na sila ng kalsada nakapuwesto.

 

Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.

Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.

Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articlePiolo Pascual, ‘di inilalagay sa utak ang pagiging ultimate leading man
Next articleJobert Sucaldito, kahit sobrang apektado sa pagkaka-stroke ni Richard Pinlac, balik-trabaho agad para i-promote ang pelikula ng alaga

No posts to display