Ilog ng Bulacan, binababoy

NATATAWA TAYO, PAREKOY, sa mga lu-mabas na balita sa iba’t ibang pahayagan noong nakaraang linggo.

Lumalabas kasi na para bang nagtutulungan talaga sina Bulacan Governor Wilhilmeno Sy-Alvarado at ang mga taga-Department of Environment and Natural Resources.

P’we!

Subukan mong pumunta parekoy sa bayan ng Pulilan.

Para ikaw mismo ang makakita sa mga reklamong ipinararating sa atin. Kung paano binababoy ang kanilang ilog!

Sa mga susunod na isyu na natin tatalakayin ang tungkol sa iba’t ibang factory na nagbubuga ng katakut-takot na lason sa mga ilog ng Bulacan.

Uunahin na muna natin itong iligal na paghuhukay (quarry) sa ilog ng Pulilan.

Hindi na natin dapat pang talakayin kung anong panganib ang idinudulot nito sa mga naninirahan malapit sa nasabing ilog.

O kaya ang mistulang lantaran at walang pakundangang panggagahasa sa nasabing ilog.

Dahil ni minsan ay hindi na luminaw ang tubig sa nasabing ilog.

Aba eh, kung ang isang kalabaw nga lang ang mag-lupasay sa ilog ay mistula itong binuhusan ng “dinuguan” sa sobrang labo.

Na tiyak ikamamatay ng mga isda o anumang may buhay sa nabanggit na ilog.

‘Yan, parekoy, ang tinutukoy natin… na habang ginagahasa ang mga ilog sa lalawigan ng Bulacan ay sinasabayan naman ng press release nina Gov. Willy Alvarado.

Sampu ng kanyang mga kasabwat.

Mahiya naman kayo gob…

Ginagahasa na ninyo ang ilog, binobola pa ninyo kami!

P’we!

INAANYAYAHAN KO PO kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected]  o mag-text sa 09152121303.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleMapang-akit na modus operandi
Next articleMatandang comedy actress, ‘bumibili’ ng bagets?!

No posts to display