Imee, binisita ang NKTI at ginunita ang mga alaala ng Martial Law

Leo Bukas

TULOY-TULOY na ipinagdiriwang ni Senator Imee Marcos ang kaarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa dalawang bagong vlogs na mapapanood sa kanyang official YouTube channel ngayong weekend.

Ang kanyang September 24 vlog ay naka-sentro sa kanyang katatapos lamang na pagbisita sa National Kidney Transplant Institute (NKTI), na isa sa mga specialty hospitals na tinayo ng kanyang mga magulang.

Sen. Imee Marcos

At sapagkat dialysis patient ang dating Pangulo, naging tradisyon na para sa senadora ang magbigay ng libreng dialysis para sa mga pasyente ng NKTI at ng iba pang piling mga ospital sa araw ng kapanangakan ng kanyang ama.

Ipinapakita sa vlog na ito ang isang pagsilip sa isang adbokasiya na malapit sa puso ni Imee na talaga namang nakakakurot ng puso sapagkat alam niya at ng kanyang pamilya kung paano mamuhay at mag-alaga ng isang taong may karamdaman sa kidney.

Nitong Linggo, Setyembre 25, iiwan panandalian ni Imee ang masaya niyang mga vlogs  para sa isang seryosong content ukol sa isang forum na kanyang hinanda para sa ika-50th na anibersaryo ng Martial Law na pinamagatang SingKWENTA’T SingKWENTONG Martial Law.

Dinaluhan ang forum ng mga dating military officers at mga leftist rebels para sa isang malayang diskusyon tungkol sa kanilang mga personal na karanasan nuong panahon ng martial.

Siniyasat ng open dialogue ang kanilang mga natutunan mula sa yugtong yuon ng ating kasaysayan habang binigyan linaw din nila ang mga mito at haka haka sa pamamagitan ng mga pananaw ni Imee at ng mga panelists gaya ng mga dating Senador na sina Juan Ponce Enrile, Kit Tatad, at Gringo Honasan.

Maging bahagi ng isa sa mga pinakamamahal na adbokasiya ni Imee at alamin ang mga bagong katotohanan ukol sa Martial Law sa kanyang perspektibo at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Previous articleJennica Garcia may hugot kay Coco Martin
Next articleHerlene Budol hindi iiwan ang pagiging ‘Hipon Girl’

No posts to display