OLACHIKKA. NA-SURPRISE ako nu’ng linggo dahil sinorpresa ako ng aking kaibigan at isang icon sa ating bansa at jukebox queen na si Imelda Papin. Umarangkada ang career niya hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin ang Amerika ay na-conquer ng nag-iisang Jukebox Queen.
Bumisita sa aking programa si Imelda Papin kaya laking gulat na lang namin habang nagdadakdakan kami nina Ivy,Renan at Elmer nang biglang bumulaga fresh from the US si Imelda. Sa aming mahabang tsikahan ay napaliwanang ni Imelda ang mga katanungang matagal nang naghihintay ng paliwanag mula sa kanya. Ipinaliwanag ng Jukebox Queen ang tungkol sa isyung hindi siya imbitado sa blowout ni Manny Pacquiao nu’ng ito ay manalo.
“Imposible ‘yun, Tita Swarding,lahat ng fight niya ay libre ‘yun, lahat ng tiket namin. In fact, first concert ni Manny sa States, kumanta siya. It’s a fund-raising concert du’n sa Vegas. After his fight, ang dami ring kumukumbida sa kanya,pero du’n din sa concert ko pumunta siya at kumanta pa siya at nagbigay a siya ng isang dialysis machine,” say ni Imelda.
At nang tanungin ko siya kung umuwi na nga siya ng bansa upang suportahan ang pagtakbo ni Manny sa politika ay ito ang sagot ni Imelda: “Na-mention sa akin ni Manny na papasok siya sa pulitika kasi madalas din kami sa kanya at pumupunta rin siya sa bahay at du’n din nagdi-dinner. We’re friends. Okay lang kung tatakbo si Manny, nandu’n ako para suportahan siya. Pero sa tingin ko, nag-iisip pa.” At kung akala ng karamihan na umuwi dito sa bansa ang Jukebox Queen upang dito na ulit magtrabaho,nagkakamali kayo. Ha! Ha! Ha!
“Hangang October 5 lang ako, Tita Swarding dahil sobrang busy ko du’n sa Amerika. I have a TV show sa California every second Sunday of the month, 4:30 p.m. at may radio program din ako. My mga concert ako na nakahilera. Oct. 30, 31 at November 1 sa Casino Nevada with Melissa Manchester, ang kumanta ng Don’t Cry Out Loud at at Looking Through The Eyes of Love. Sept.18 sa PICC. First time ni Melissa Manchester dito sa bansa. Sa cebu naman sa Waterfront Hotel sa Sept. 20.”
Dagdag pa ni Imelda na firstime niyang mag-guest sa radio program ko dito sa DZRH nang magbalik siya rito sa bansa. Hirit pa niya na sa tagal niya sa Amerika ay hindi man lang sila nagkita ng kanyang kumare na si Nora Aunor. Muling inihayag ng nag-iisang Imelda na kaya fresh and blooming ang aura niya ngayon ay dahil in love nga siya.Ha ! Ha! Ha!
“Satisfied ako sa buhay ko dahil noon nasa politics ako at ngayon marami akong achievement na nakamit sa Amerika.”
Binalak na rin pala niyang magparetoke pero natakot ang aking kumare. Kaloka, ha! “Lahat ay original ‘yan, Tita Swarding. At sa kontrobersiyal statement ni Freddie Aguilar tungkol kina Charice Pempengco at Arnel Pineda ay ito ang comment ni Imedla:”Ay, Tita Swarding, nirerespeto ko po ang commnt ni Kaka. Okay naman ‘yung kantahin natin ang sarili nating mga awitin, pero hindi natin maiiwasan na kantahin ang mga foreign song. Kailangan may translation. There’s nothing wrong kina Charice at Arnel na manggaya. Magaling namang manggaya o mapapantayan pa o mas higit pa. Ang suwerte nina Charice at Arnel dahil napuna sila.
Inilabas rin ng nag-iisang Jukebox Queen na minsan ay hindi rin niya nagustuhan ang TV host na si Willie Revillame. “Kasi, Tita Swarding, nanonood rin ako ng TFC. Sometimes, nagko-comment siya, ginagawa niyang katatawanan, minsan nakaksakit at nakakainsulto na. Na-text ko nga si kumareng Claire dela Fuente, “sabihin mo kay Willie na ‘wag kayong bastusin ni Willie on aire. In essence, kung wala ang era namin ay wala rin ang era nila.”
Naku, ha! Nakakaloka talaga. Marami na talaga ang hindi nagustuhan ang mayabang na TV host na ito. ‘Yun na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding