DOUBLE VICTORY PARA kay House Committee on Justice Chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas Jr. ang pag-akyat ng impeachment case ni Ombudsman Merceditas Gutierrez kahapon ng madaling-araw.
Bakit, parekoy? Aba, malaking karangalan na bagaman ang daming hadlang para “tuluyan” si Merci eh, nagwagi pa rin siya. Mantakin n’yo, mga parekoy, hindi “just-just” si Merci, aminado akong mahusay ang babaeng opisyal pero napataob ni Tupas.
Isa pang dapat ipagmalaki ni Tupas at ang kasama niyang pro-impeachment congressmen gaya ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas ang katotohanang marami pala silang supporter. Ang botong 212 paborable sa pagpapatalsik kay Merci ang isang ebidensiya.
Heto pa ang bonus para kay Tupas, mga parekoy, ngayon lang sa kasaysayan ng kongreso may na-impeach na dumaan sa tamang impeachment proceedings!
Magugunitang noong isang linggo ay inamin ni Fariñas na pagdating sa linya ng pagpapatalsik sa mga nagkamaling opisyal, bokya ang grado ng Kamara de Representates dahil ang mga nagkamaling COMELEC officials at maging si dating Pangulong Joseph Estrada ay hindi napatalsik sa pamamagitan ng impeachment proceedings.
Kaya para kay Cong. Tupas… kudos! You’re the Man!
KAMPO NI MERCI, INAASAHAN NA ANG “FOREGONE CONCLUSION” NA HOUSE RULING
Tila patianod na lamang ang kampo ni Ombudsman Merci at sinabing “foregone conclusion” na house ruling noong Martes ng madaling-araw.
Well… wala tayong magagawa mga parekoy, tapos na ang boxing. Anuman ang kahihinatnan ng pagdinig sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso na aaktong impeachment court, masasabing balewala ito kay Cong. Tupas. Ang mahalaga parekoy, napatunayan ng kinatawan ng Iloilo na may “binatbat” ang kanyang effort.
Higit sa lahat, parekoy, may kinahantungan si Merci sa kamay ng Kamara! At mas lalong angat sa lahat ng aking nabanggit… iba pa rin kung magsanib-puwersa ang mayorya. Alam n’yo ang ibig kong sabihin, mga parekoy, NUMERO pa rin ang mahalaga!
KINAHINATNAN NG BANCO FILIPINO, MANTSA SA BANKING SYSTEM NG BANSA
May negative impact sa banking industry, hindi lamang sa owners ng Banco Filipino Savings and Mortgage Bank, ang sinapit nitong pagsasara noong isang linggo.
Ito, parekoy, ay ang negatibong pagtingin ng mga depositor sa lahat ng mga bangko sa bansa. Habang ang mga ordinaryong depositor na ang tanging layunin ay mag-impok, posibleng masira na ang paniniwala sa bangko. Bakit nga naman ipagkakatiwala pa sa bangko ang kakapiranggot nilang salapi kung bigla naman itong mapi-“freeze” nang walang kaabog-abog. Sa liit ng tubo, 1% annually, pahihirapan pa ang loob mo kapag gagamitin mo na?
Siguro, hindi lamang dapat iasa ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa Philippine Deposit Insu-rance Corporation ang “sinasapit” na paghihirap ng loob ng mga maliliit na bank client ng BF kundi mismong sila ay kumilos rin.
Sa ngayon, parekoy, dapat palakasin ng lahat ng commercial banks ang kanilang public relations dahil sa totoo lang, maging ako mismo, nais ko na lang itabi sa alkansyang baboy o kaya naman sa posteng kawayan ng aming bahay ang a-king maiimpok na salapi.
Paalala, parekoy, ang nangyari sa BF ay maaari ring mangyari sa anumang bangko!
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303