Impeachment at Raket sa Aduana

NAGSI-MULA NA po sa Senado ang Impeachment trial, kung saan ang ating Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona ay nililitis, na kung mapatunayan sa mga pagkakasalang ibinibintang, siya ay masisibak sa tungkulin.

Sa ngayon, parekoy, maganda ang panimulang pagdinig. Sana, ito ay magpatuloy na naaayon sa ating mga batas!

Makialam tayo, parekoy, magmasid at gamitin ang pantay na pang-unawa upang tayo mismo ay makuntento sa magiging resulta nito.

Tandaan, parekoy, huwag tayong padadala sa matatamis na dila at magagaling na press release… upang hindi tayo mailigaw!

Bilang panimula, ibinasura ng Senado ang dalawang “motion” na isinampa ng kampo ni Corona.

Ang mga ito ay ang pag-contempt sa mga madaldal na congressmen at sa pagsagawa ng preliminary hearing dahil sa diumano’y depektibong complaint.

Gayunman, tandaan natin parekoy, sa pagresolba ng nasabing mga mosyon ay boto ng majority lamang ng Senado ang kailangan o 12 boto.

Pero para tuluyang ma-impeach ito ay 2/3 ng Senado o 16 na boto ang kailangan nilang buuin!

Abangan po natin ang pagpapatuloy ng Impeachment Proceeding!

ADUANA, ITO ang pangalan ng “official gazette” ng Bureau of Customs.

Ang gazette o pahayagang ito, parekoy, ang naglalathala ng iba’t ibang activities ng nasabing Kawanihan na nasa ilalim ng pangangasiwa ni BOC Commissioner Ruffy Biazon.

Matatandaan, parekoy, na ipinangalandakan ni Comm. Biazon na kanyang lilinisin ang nasabing tanggapan.

Katunayan, maging ang mga taga-media na naka-beat sa BOC ay una niyang piniga para matiyak daw na hindi sila magagamit ng ilang kurakot sa BOC.

Pero sa kaso, parekoy, ng “Aduana” kung saan ang pahayagang ito ay ginagastusan ng mga empleyado at opisyal ng Customs, hindi marahil nasilip ni Comm. Biazon na tadtad pala ng kalokohan.

Bakit? Ayon sa ating tawiwit, ang tanggapan ni Abano na nangangasiwa sa pag-imprenta nitong “Aduana” ay nakalulula ang charge sa lay-outing at printing nito.

Sa imprenta parekoy ay P60T at sa lay-out naman ay P50T, samantalang wala pa sa kalahati ang tunay na presyo nito.

Nakasusulasok po Comm. Biazon!

Nauna na nating isiniwalat ang istayl ni TINA YU, ang tinaguriang plastic queen sa Bureau of Customs na ibinulgar ng ating tawiwit na naglalagay umano ng P300,000.00 bawat container sa mga appraiser at examiner para mailusot lang ang mga parating na bakal at resins at mga sangkap sa paggawa ng plastic.

Kung saan ang kanyang “import permit” na para lang sa “transhipment sa Subic Freeport”, pero nagagamit niya ito para mailusot hanggang sa Port of Manila ang mga “parating” mula sa China, Vietnam at paminsan-minsan ay Singapore.

Isiniwalat din natin si Jeffrey King, ang bumubuhos naman dito sa Pinas ng mga piniratang DVD, mga fake na lady bags at iba’t ibang uri ng relo.

Kung sa loob ng Customs ay may mga appraiser at examiner na kasabwat itong si Jeffrey King, paglabas ng BOC ay mayroon siyang Major at General Laurel na taga-salo para matiyak na plantsado ang kargamento.

At ang kanilang meeting place ay doon sa restaurant ni King sa Ongpin!

Maliban kina plastic queen Tina Yu at Jeffrey King, matunog rin ang pangalan ng tinaguriang JADE BROS. (Kuya George Tan at David Tan).

Maliban sa mga nabanggit, dinadakila rin sa Customs itong si alyas Big Mama, dahil maliban sa may angkin itong “big tits” tiyak pa na “big pocket”!

Isa pang kilala sa BOC ay ang partnership parekoy nina TONY at CESAR na pinangingilagan maging ng ilang examiner at appraiser dahil sa kanilang konek!

Mistulang express lane parekoy ang dinaraanan ng mga dokumento na kanilang personal na ipino-proseso, kaya naman matunog ang pangalan ng kanilang partnership.

Dahil nagpapakilala ang dalawang ito na mga tauhan sila ng isang senador at isang kongresista na parehong malapit kay P-Noy!     (May karugtong)

PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09321688734. 

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleVocal Warm-Up
Next articleImpeachment Kontra P-Noy?

No posts to display