SARTORIAL ANG dating ng crimson justice robe kay Senator-Judge Jinggoy Estrada. Swak na swak. Ngunit napansin nating tila may extra pounds muli siya. Kasi raw paborito niya once a week ang steak sa House of Wagyu sa Greenhills. Malamang na kikinang ang katalinuhan ng senator-judge sa impeachment trial. Ipinamalas na niya ito sa maraming Senate probes at hearings. Daig pa ang isang manananggol mag-analyze ng mga isyu at magtanong. Matalis ang isip, eloquent ang pananalita na walang grandstanding.
TAKE A bow Marikina Rep. Romero Quimbo, spokesman ng House Prosecution panel. Very sensible and articulate, full of substance at malalim. A rising political star. Si Quimbo ay isa ring batikang litigation lawyer. Sa isang TV show kamakailan, naungusan niya sa lively debate ang dating SC Justice Serafin Cuevas, head ng Corona legal team sa kanyang malalim na paghihimay at pagtalakay sa mga impeachment issue. He’ll go very, very far.
KANINO ANG prized vote ni Senator-Judge at Senate President Juan Ponce Enrile? 24-karat question. He’s 87 years old and the longest serving public official since the time of Marcos. He served in many capacities in the 3 co-equal branches of the government. At sa kanyang twilight years, his mind is still razor-sharp, bringing his harvest of experience and wisdom to the Senate Presidency. The nation is grateful to him. In this his last hurrah, will he side with history? Too long siya at expectedly mayroong ‘di maiiwasang political biases. Your guess is as good as mine.
NALULUNGKOT AKO para kay CJ Renato Corona. Napakahirap ng dinadanas niya at kanyang pamilya ngayon. ‘Di biro-biro na bulatlatin sa publiko ang pinakapribadong lihim ng buhay mo. Cruel ang public opinion. Mahigit din akong 3 dekada sa public service. A noble calling but oftentimes tankless. Kailangan maingat, full of integrity at honesty. Madaming tukso at bitag. Sana’y malampasan ni Corona ang nag-aalimpuyong unos. Dahil sa exciting telenobela ng impeachment, naisantabi muna sa focus ang maraming suliranin ng bayan. ‘Di dapat ito mangyari. Ang araw-araw na gutom ng milyung-milyong mahihirap ay dapat bigyan ng prayoridad ng pamahalaan. Araw-araw lumalala ang suliranin ng peace and order. Unemployment continues to rise. Walang money velocity kasi ang pamahalaan ay underspending. Ang conviction o acquittal ni Corona ay ‘di lunas sa mga malubhang suliraning ito.
NAPAKADALING BASAHIN ang boto ni Senator-Judge Antonio Trillanes IV. Public opinion daw ang kanyang magiging basehan. Ang mga surveys ay halos 6-4 para sa impeachment. Iyon na. Sang-ayon ako dito. Public opinion ang pinakamataas na uri ng batas. Vox populi, Vox rei.
TABO NA muli mga major broadsheets at tabloids dahil sa sagutan sa impeachment ng magkabilang panig. Sino ang mga nagpopondo nito? Ayon sa isang Manila Standard columnist, 1 bilyon diumano ang nalikom ng pamahalaan para sa lobby efforts sa mga senador. Walang ebidensya. Sabi lang ito. Anything goes na.
BAWAL ANG jeans, gomang sapatos at T-shirts sa panonood sa Senado ng impeachement trials. Tama lang. Nu’ng 2001 impeachment ni dating Pangulong Erap, mob rule ang naghari. Mga self-righteous at aroganteng miyembro ng so-called civil society ay ginawang mistulang palengke ang gallery ng Senado. Good move, Sen. Enrile!
SA ABANG pananaw namin, makapagpapalakas sa ating constitutional democracy ang impeachment process. Katulad ng impeachment ni former U.S. prexy Bill Clinton. Acquitted. Nanghina ba ang U.S. democracy? Target ng impeachment ay alleged corruption ni Corona, ‘di ang judicial independence. Kung baga sa maysakit na katawan, si Corona ang kanser. Kaila-ngang alisin. Bumitaw kaya si Corona sa kalagitnaan ng hearing? Mahirap sagutin. Depende ito sa paglalatag ng ebidensiya at kontra-ebidensiya. Depende ito sa palahaw ng media na importante sa paghuhubog ng public opinion. Depende ito sa fairness at impartiality ng senator-judges at iba pang mga bagay tungo sa wastong desisyon. Ang boses ng bayan, makapangyarihan, dapat maghari.
NU’NG 2001 impeachment trial ni Erap, mob rule ang naghari. Nu’ng mag-walk-out mga prosecutors, ‘di sila na-charge ng contempt. ‘Di natapos ang hearing at mga sumunod na pangyayari ay dagliang pag-swear-in ni GMA sa EDSA. Binastos ang constitutional process ng magkakuntsabang puwersa ng pamahalaan. The rest is history. At ang pangunahing berdugo ng ouster ay ngayong nakakulong. Tunay ang batas ng karma.
PANALANGIN NATIN, ‘di ito maulit sa Corona impeachment. So much is at stake. The Senate should be resolute and firm in executing its mandate. Tapusin ang proseso. ‘Wag pahintulutan ang walk-out o iba pang illegal delaying tactics ng dalawang panig. The rule of lwa must prevail at all cost. These are exciting times. Our country is in the crossroad of history. Let the mettle of our people be tested and prevail for good governance and progress.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez