Importanteng naniniwala raw siya sa kandidato
Richard Yap, ‘di nasilaw sa milyong pera sa pag-endorso!

IBA TALAGA ang karisma ni Papa Chen, ‘no? Kuwento nga ng ine-endorse niyang si Sen. Ramon Magsaysay, Jr., kahit saan daw sila magpunta ay super tilian ang mga tao. An’lakas daw talaga sa masa ni Ser Chief.

At ipinagmamalaking sabihin ni Sen. Magsaysay, Jr. na “pro bono” o libre lang niyang nakuha bilang endorser si Papa Chen.

“Actually, ang dami na pong lumapit sa akin, pero isa lang po ang ie-endorse ko ‘coz I believe in him, si Sen. Magsaysay!”

Pero hindi nasilaw ng milyong offer si Papa Chen, dahil ang importante sa kanya ay ‘yung naniniwala siya du’n sa tao at alam niyang may magagawa para sa bayan. “It’s not all money, eh. Kayang kitain ‘yan, pero iba pa rin ‘yung naniniwala ka sa kandidato mo!”

Kaya naman ‘yung kanyang handler ay nalolokah na, dahil wala na nga silang maibigay na iskedyul ke Papa Chen para makasama sa campaign ni RMJ, “Pero naisisingit niya talaga. Gano’n siya ‘pag naniniwala sa tao, hangga’t kakayanin niya, tutulungan niya!” sey nga ng handler niyang si Kate Valenzuela.

Bukod kay Papa Chen, ine-endorse din “pro bono” ni Dingdong Dantes si Sen. Magsaysay, dahil family friend pala ng family ni Dingdong sina RMJ. “Even when I run for Senator last 2002, ine-endorse na ‘ko ni Dingdong.”

At very thankful si Sen na hindi ang kayang ibayad ang tinitingnan nina Richard Chen at Dingdong Dantes ang mga halaga sa mga ito kungdi ang kanyang track record na makapagsilbi sa bayan.

In-endorse na rin si Sen. Magsaysay ng Akbayan at Bayan Mo party-lists, nangunguna rin sa mock elections na isinasagawa ng 7-Eleven stores nationwide at number one din siya sa survey ng Rappler.com.

KUMPORTABLE SA kamiso de Chino ang tumatakbo ring senador na si Sonny Angara, kaya ‘yun ang suot niya sa ipinatawag na presscon ni Mother Lily Monteverde.

Puwede na ring dahil endorser niya si Juan Dela Cruz Coco Martin, kaya gano’n din ang kanyang peg.

“Lalabanan natin ang mga aswang,” referring to kahirapan ng bayan.

Minsan daw, sa isa sa mga kampanya niya ay may isang nanggigil sa kanya at inamoy ang kili-kili niya, “Kaya lagi na akong nagpapabango. Mahirap nang ‘yung tumatakbong senador, may anghit!”

May nagtanong kung bakit wala si Julia Montes na una niyang endorser.

“Ah, nu’ng una lang ‘yon, nu’ng pre-campaign pa ‘yon, pero ngayon, hindi na.” Matatandaang si Julia at ang lola nito ay nag-endorse ng Senior Citizens’ Act na ang author ay ang ama nitong si Sen. Ed Angara na pinalawig pa nang husto sa Kongreso ni Sonny Angara, kaya wala nang 12% vat ang lahat ng produktong binibili ang mga senior citizens.

Kaya rin na-convince si Coco na i-endorse si Sonny nang walang amount, dahil si Coco ay palaki ng lola nito at ito mismong lola niya ay aminadong nakikinabang sa batas ng kanyang amang si Ed Angara.

Nakatapos din ng kurso si Coco, kaya gusto rin ni Coco ang desire ni Sonny na palawigin pa ang Free Education Act ‘pag ito’y naupong senador.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleSanay na sanay na…
Zanjoe Marudo, bata pa lang napalibutan na ng mga bading!
Next articleGretchen Barretto, takot na gayahin siya ng anak na si Dominique

No posts to display