KAMAKALAWA NG ALAS-10:30 ng umaga ay pumanaw na si Mila Ocampo, ang ina ni Snooky Serna. Namatay si Mila sa sakit na emphysema sa edad na 67.
Ang emphysema ay isang long-term, progressive disease of the lungs o baga. Hirap huminga ang isang tao dahil wasak o weak na ang kanilang lung tissues, sanhi kadalasan ng grabeng paninigarilyo sa maraming taon. Lumiliit ang lung tissues, dahilan upang magkaroon ng obstruction sa pagdaloy ng airways sa ating baga.
Sa loob ng apat na taon, pabalik-balik ang pagko-confine sa ospital ni Mila (Milagros Rodriguez Sumayao sa tunay na buhay) na dati ring aktres ng LVN Pictures. Binawian siya ng buhay sa kanilang tahanan.
Ayon sa manager ni Snooky na si Leo Dominguez, panay ang iyak ni Cookie sa pagpanaw ng mahal na ina. Pero ine-expect na niya ito, marahil dahil nakikita na niyang malubha na ang karamdaman ng ina.
Sixteen years old nang ma-discover si Mila ng bossing ng LVN noon na si Doña Sisang. Na-type-an agad ni Doña Sisang ang Bicolanang si Mila at in-offer-an na mag-artista noong 1958.
First movie nito angTakdang Sandali na pinangungunahan nina Amado Cortez, Gloria Sevilla, at Von Serna. Si Von ay naging asawa niya at si Snooky nga ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan.
Ang iba pang mga pelikulang ni Mila ay: Biyaya ng Lupa (1959), Alyas Palos (1961), Dugo Sa Pantalan (1965),Twinkle Twinkle Little Star (1971), Under-Age (1980), Zuma (1985), Sinungaling Mong Puso (1992), at ang last film nito ay ang Paano Kung Wala Ka Na? (1997).
Nakaburol ang mga labi ni Mila Ocampo sa Royal 1 Chapel ng Holy Trinity Memorial Chapels sa Dr. A Santos Ave., Parañaque City. Ike-cremate ang kanyang bangkay sa Sa January 9. Condolence po!
NAKALULUNGKOT NAMAN ANG balitang hiwalay na umano si Vina Morales at si Cedric Lee, ang non-showbiz guy kunsaan siya may isang anak na kaka-one year old pa lang last year.
Hindi pa nga kasi annulled ang kasal ni Cedric sa asawa nito, at ayon sa chika, hindi na ito mahintay pa ni Vina. Come to think of it, parang kailan lang, eh, four years na pala ang itinagal ng relasyon ni Vina at Cedric, at biniyayaan nga sila ng isang cute na supling.
Si Vina umano ang nagdesisyong humiwalay na lang sa relasyon na maaaring for her ay sapat na ang apat na taong paghihintay na matapos ang annulment ng jowa sa tunay nitong asawa, pero hindi na nga kinaya ni Vina ang maghintay pa.
Perhaps, for Vina, it’s time to move on. Nasa kanya naman ang anak, hindi nga lang nito makakasama ang tunay na ama sa paglaki nito.
Tila mailap ang kapalaran ng buhay-pag-ibig ni Vina, mula pa noong kabataan niyang na-in love siya kay Robin Padilla. Maybe, kung hindi pa man si Cedric ang dapat na makasama niya habambuhay, we hope na matatagpuan pa rin niya ang lalaking ‘yon in the future.
Maaari ring bukas-makalawa, ma-grant na ang annulment, at magkabalikan sila, ‘di ba?
BONGGACIOUS ANG PAG-AALAGA ng ABS-CBN kay Erich Gonzales, na papatapos pa lang ang Katorse, eh, nasa Tanging Yaman na agad siya, bagong teleserye ng Dos with Rowell Santiago, Agot Isidro, Enchong Dee, Ejay Falcon, directed by Lino Cayetano.
We’re so happy for Erich dahil nakita namin ang pagtitiyaga nitong maghintay ng big break for her.
Nasa 3 to 4 years ‘ata ‘yun after her SCQ winning na wala siyang regular show. Pero nagtiyaga at naghintay. Look at her now, since nag-hit sa ratings ang Katorse, heto uli si Erich sa Tanging Yaman, primetime pa rin, huh!
‘Yun lang and babu!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro