AMINADO SI Ina Raymundo, nagawa niyang dedmahin ang nauna na dapat niyang commitment for his son para lang ma-accommodate ang offer na makasama sa cast ng ikalawang remake ng Marimar na pinagbibidahan nina Megan Young at Tom Rodriguez.
“Actually pupunta ako no’n ng China para manood ng baseball ng anak ko,” kuwento ng aktres. “Basebal player kasi ‘yong pangalawa sa five kids ko. May plane ticket na ako. Tapos biglang mga four o three days before the flight, ino-oFfer nga ito. Tapos ipinadala ‘yong script. EH, ang ganda no’ng story. Nakatutuwa ‘yong character ko na… interesting at hindi siya boring.”
Ginagampanan ni Ina ang character ni Bella Aldama na magiging kaagaw ni Mia Aldama (Alice Dixson) kay Gustavo (Zoren Legaspi), ang mga magulang ni Marimar. Unang beses daw niya itong gumanap na kontrabida, pero hindi naman daw siya nahirapan.
“Parang ini-imagine ko lang kung paano ba ako kapag nagmamaldita na… kakaiba. Ayoko ‘yong typical na galit palagi or lumuluwa ‘yong mata. So, gusto ko funny na medyo maldita. You’ll see na lang,” sabay ngiti ng aktres.
More than twelve years nang married si Ina sa kanyang Canadian husband. Lima na ang anak niya, apat na babae at isang lalaki.
Ang kanyang vital statistics ngayon… 36-26-35. Paano ba niya na-maintain ang gano’ng kaseksihan pa rin?
“Disiplina. I exercise five days a week and I eat healthy. Iyon. Kapag pinagsama mo ang dalawang ‘yon, maganda ang resulta. Ang motibo ko talaga, ang aking encouragement talaga is maging fit. Hindi ‘yong maging hot or sexy. Siguro bonus na lang na gano’n ‘yong dating. Pero sa akin talaga, I want to encourage women especially mga mommy na struggling to lose the baby weight. ‘Di ba marami ‘yong after having one baby, hindi na nabalik ‘yong katawan nila?
“But it’s so easy. It’s possible. All you have to do is to be discplined. ‘Yong ganyan.”
‘Yong ibang celebrity moms, game na mag-pictorial nang sexy? Is she open for this also?
“May offer. I’m still thinking about it. We’ll see. We’ll see.”
Okey lang sa husband niya?
“Payag siya! Sabi niya… you know what to do, you know your limitations. So, we’ll see. We’ll see,” muling nangiting huling nasabi ni Ina.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan