KASAMA ni Ina Raymundo sa pelikulang Block Z si Julia Barretto at very vocal siya to show her affection sa dating girlfriend ni Joshua Garcia who is also part of the film.
“You know what, I’m 44 years old and I’ve hang out with so many people in my life and sa dinami-dami ng nakatrabaho ko, siguro sobrang swak lang kami (ni Julia), yung personalities namin.
“She’s a good girl. Very sweet, funny. Parang minsan siguro nami-misunderstand siya kasi ano siya, eh, what you see is what you get, ganun siya. But she’s a good person. Never akong nakadinig na any negative na kinuwento niya sa akin – zero.
“Don mo madya-judge yung tao, di ba, na pagkasama mo wala siyang siniraan, wala siyang… basta positive lang. Basta yung relationship namin is beyond showbiz,” litanya ni Ina about Julia.
Umiwas namang magkomento si Ina tungkol sa pinagdaanan nina Julia at Joshua.
Nakangiti niyang pahayag, “Basta… basta. I don’t wanna talk na, baka mapasama lang. Basta I love Joshua and Julia, pareho ko silang love because of Vince and Kath and James.”
Palabas na ang Block Z sa mga sinehan ngayon. The film is directed by Mikhail Red.