AMINADO SI MARIAN Rivera na naudlot ang plano niyang makipagkita sa amang nasa Spain nu’ng Christmas last year, at malabo pa rin daw ngayong Pasko.
“Mas malabo na siya ang makauwi rito, mas may chance na ako ang magpunta sa Spain. Katatayo lang niya ng bagong restaurant. Hindi niya maiiwan talaga,” chika ni Marian nang makausap namin recently sa Annabel’s Tomas Morato.
Posibleng makasama raw niya ang jowang si Dingdong Dantes sakaling makapunta nga sila ng Spain, kung maisisingit ito ni Marian sa busy sked niya.
“Sabi naman niya (Dingdong), kung pupunta raw ako (sa Spain), gusto raw niyang sumama. Alam niya kasi na ‘yun din ang pinakahihiling ko sa buhay ko, ang magkita kami ng papa ko. So, gusto rin siguro niyang maging bahagi siya nu’n, na nandu’n siya.”
Ani Marian, proud daw itong naikukuwento si Dingdong sa papa niya.
“The usual, sinasabi ko sa kanya, ‘Special siya sa akin, sana ma-meet mo siya. Kasi palagi siyang nandiyan para sa akin. Pinoprotektahan niya ‘ko. Happy ako sa kanya.’”
Nagka-chance na bang mag-usap over the phone si Dong at ang papa ni Marian?
“Minsan naririnig niya ang papa ko (sa phone), ibinigay ko sa kanya. Kaso, natatawa siya (Dingdong) kasi hindi niya maintindihan. Marunong din namang mag-English si Papa, pero barok-barok talaga. Literally merong Tagalog, me Spanish, mix-mix na siya.”
Samantala, nahingan namin ng reaction mismo si Marian sa isyung nagtaray na naman daw siya sa fans niya, particular sa Japan recently nang magtungo sila roon ni Mark Anthony Fernandez.
“Hindi ko nga alam, e. Lahat na ng kasama ko, pati si Tita Aster (Amoyo), nagsalita na siya. Siguro ganu’n na talaga… hinahanapan talaga kahit wala. Ginagawan talaga,” himutok ni Marian.
Sabi umano si Aster, “I was there. The woman actually hosted dinner for us and gave Marian three magazines. She returned to her the magazines she didn’t like, but with a smile. Hindi siya nagtaray.”
ANG TAONG 1984 ay sinasabing isa sa golden years ng Philippine cinema, na matitinong pelikula ang itinanghal. Banner year rin ‘yon para sa Superstar na si Nora Aunor.
That year, Nora reasserted her supremacy as the country’s premiere actress sa paglabas ng tatlong critically and commercially successful films na ’Merika (ni Direk Gil Portes), Condemned at Bulaklak sa City Jail (ni Direk Mario O’Hara), kung saan siya nagkamit ng acting awards and nominations.
25 years after, heto na ang The International Circle of Online Noranians (ICON), in cooperation with the UP Film Institute, ay naniniwalang dapat lamang na i-celebrate ang 25th anniversary ng tatlong Nora Aunor film classics na ito.
Kung Noranian ka, sugod na sa free screening ng tatlong pelikula sa Videotheque ng UP Film Institute, UP Diliman, ngayong Sabado, December 19. 1:00 P.M. ang ’Merika, 2:45 P.M. ang Bulaklak sa City Jail, 7:00 P.M. ang Condemned.
May panel discussion with guests at ang soft launch ng DVD ng Bona at Tatlong Taong Walang Diyos, bandang hapon sa UPFI Bernal Gallery.
HALATANG MAHAL PA rin ni Mart Escudero ang ex-girlfriend na si Jennica Garcia. Sa interview sa dalawa sa presscon ng Shake Rattle and Roll XI na MMFF entry ng Regal, obvious na in love pa rin si Mart, huh!
Ngayon lang namin nakapanayam si Mart na pinagpapawisan habang nakaharap sa kamera, na ramdam ng nag-iinterbyung reporters na love pa rin niya ang alaga ni Manny Valera, base sa statements nito at body language.
Kaso, it’s goodbye time na nga for Jennica at feel na lang nitong maging good friends sila ni Mart.
Mahirap nga naming ipilit kung wiz na feel ni Jennica, huh!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro