ANO KAYA ANG masasabi ng young actor na si Albie Casiño, dahil at last ay inamin na ni Andi Eigenmann sa kanyang blog na ang binata ang ama ng sanggol sa kanyang sinapupunan.
Tsika nga ni Andi sa kanyang Blog: “Maybe instead of feeling bad that Albie left me to take on this responsibility by myself, I should thank him for giving me the opportunity go out & find genuine happiness once again.
“I’d obviously love for him to be around eventually. You know, to save myself the struggle to find a good way to explain his absence to his child.”
Ayon nga sa kampo ni Andi, handang-handa na raw harapin ni Andi ang pagiging ama at ina sa kanyang isisilang na sanggol. Hindi na raw ito umaasa pa na aakuin ni Albie ang responsibilidad sa kanilang magiging anak. Tanggap na raw ng magandang young star ang nangyari sa kanya at handang palakihin ang kanyang anak nang nag-iisa at wala sa tabi ang tunay na ama nito na si Albie.
MUKHANG HANGGANG SA Japan ay balak pa ring pasukin ng Japinoy ex-Survivor na si Suzuki Sadatsugu ang showbiz. Balitang nag-audition si Suzuki sa Pinoy Big Brother, at take note, ang kasama nitong nag-audition ay ang na-link sa kanyang si Arnell Ignacio.
At balitang isa si Suzuki sa pinagpipilian ngayon among nag-auditions na Pinoy na may halong Hapon at may tsansang makapasok sa bahay ni Kuya. Kaya naman if ever na mapipili si Suzuki sa PBB, magiging Kapamilya Star na siya.
Tsika nga ng source namin, kung hindi sinuwerte si Suzuki sa Kapuso Network, baka sa ABS-CBN umarangkada ang career nito.
Dagdag pa ng aming source na huling baraha na ito ni Suzuki, dahil kung hindi raw ito matatanggap sa bahay ni Kuya, ipagpa-patuloy na lang nito ang pagiging construction wor-ker at waiter sa Land of the Rising Sun. ‘Yun na!
APAT NA KABATAAN ang naka-takdang sugalan ng GMA-7 for Stardome via remake ng sikat na sikat na soap noon sa GMA-7, at ngayon ay mapapanood sa Dramarama sa Hapon ng GMA-7, ang Ikaw Lang Ang Mamahalin.
Ang masuwerteng kabataan na magbibida sa ILAM ay sina Joyce Ching, Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Kristoffer Martin, sa Sept. 16 daw ang 1st taping ng apat na young stars at sa October magsisimulang mapanood ito sa telebisyon.
Dito raw masusukat ang galing sa drama ng apat na young stars na tinatayang ilan lang sa ma-ningning na young stars ng Kapuso Network. Bukod sa ILAM ay napapanood pa rin ang mga ito sa number 1 teen show sa bansa, ang Tween Hearts at sa Party Pilipinas.
WAGI ANG MGA pambato ng Psalmstre sa nagdaang Mr. & Ms. Cosmetics Fair 2011 na ginanap sa SM Megatrade Hall 1 noong Setyembre 4, dahil nakuha ni Aldous Samonte ang Mr. Cosmetics title, samantalang 1st runner-up naman si Jamaica Elysee Ambal sa female division.
Ang nasabing paligsahan ay isa sa mga programa ng Chamber of Cosmetics Industry of the Philippines (CCIP) sa huling araw ng kanilang tradeshow. Ito’y taunang proyekto ng CCIP na dinaluhan ng iba’t ibang kumpanya/exhibitors at dinumog ng mara-ming mga mamimili mula sa iba’t ibang lugar. Layunin ng nasabing organisasyon na iangat ang industriya ng cosmetics sa bansa kung kaya’t aktibo ito sa iba’t ibang mga programa upang magkaroon ng pagkakaisa ang bawat kasa-ping kumpanya.
John’s Point
by John Fontanilla