NAPILI ANG INDEPENDENCIA na maging lahok ng bansa sa gaganaping New York Film Festival na gaganapin this Sept. 25 to Oct. 11.
Bida dito sina Sid Lucero, Alessandra de Rossi at Tetchie Agbayani sa direksyon ni Raya Martin.
Bibihira sa mga Pinoy movies ang makapasok sa pestibal na ito (kung tama, Alex, ang aming memorya, parang second time pa lang ito), pero ayon sa mga inisyal na ulat, ang pagiging period piece daw nito ang unang naka-attract sa mga panel na pumili ng opisyal na lahok mula sa iba’t-ibang bansa.
Una itong nabalita na period movie na inialok nina Raya kay idol friend Vilma Santos, matapos mabigyan ng financial grant ng isang dayuhang nagka-interes sa proyekto. Pero naging busy si Ate Vi at nang mag-decide itong gumawa ng movie, ang upcoming na In My Life nga ang kanyang pinili.
Panghihinayangan ba natin ito o sadyang hindi lang talaga ukol? Good luck na nga lang ang ihihiling natin for both movies. Ang importante, pinag-uusapan ang mga nasabing movies at dapat itong tangkilikin ng marami.
by Ambet Nabus