Indie Director Joel Ferrer, enjoy sa paggawa ng “Woke Up Like This”!

Director Joel Ferrer

MAY MGA indie film directors na may feeling “iba” sila na ayaw makisawsaw sa mainstream.

 
Emote lang sila, sabi ng isang mainstream film producer na kausap namin. “Inggit lang sila sa mga kasamahan nila na nabibigyan ng break ng mga mainstream producers na keri i-extend ang budget nila sa paggawa ng pelikula at more ang publicity na nabibigay sa kanila ng film outfit lalo pa’t mga artista nila sa pelikula ay hindi naman basta-basta.
 
Madami sa mga indie film directors natin  ngayon ay nakatawid na sa mainstream. Happy sila. Kuntento sa chance at break na ibinigay sa kanila. Ang ilan nga starstruck sa mga artista dini-direk nila.
 
Sa kaso ng indie film direktor na si Joel Ferrer, hindi na bago sa kanya ang mga kuwento ng mga dating kasamahan sa indie world na nauna na sa kanya.
 
Si Direk Joel ang direktor nina Vhong Navarro at Lovi Poe sa bagong pelikula ng Regal Films na “Woke Up Like This” (WULT) na ipapalabas na sa darating na Wednesday, August 23.
 
Sino ba si Direk Joel Ferrer? “In 2010 nag-aral ako sa Asia Pacific Film Institute and studied filmmaking for a year,” tsika niya sa Messenger chat namin.
 
Nakagawa na siya ng isang full legthn film na ”Hello World” in 2013 para sa Q Cinema at “Baka Siguro Yata” for Cineme One Originals in 2015 na nagbigay sa kanya ng Audience Choice Awards sa dalawang obra niya na nabanggit na ibig sabihin ay gusto ng mga manonood ang pelikula niya bukod sa mga web series na nagawa na rin niya na walang ipinag-iba sa paggawa ng mga feature films tulad ng mas komersyal niyang obra na this time ay isang comedy film nina Vhong at Lovi.
 
Sa pagtawid niya mula indie to commercial filmmaking, ito ang first mainstream movie niya with big stars and a bigger budget.
 
Woke Up Like This cast members with Mother Lily Monteverde
 
“At first it’s a bit overwhelming, especially with the cast. Lalo pa ensemble. Pero initial reaction lang yon. Process, mostly the same, especially when you get to know the actors more. Sobrang down to earth. Ang saya kasi we’re all in this together making this film” tsika ni Direk Joel sa amin.
Dagdag niya: “I write all my scripts. Kahit yung mga web series ko, it’s either I write, or I collaborate with someone. Ito yung first time na nagshoot ako ng feature na I didn’t write the script. It’s a fun experience, kasi i get to brainstorm even on set with a very creative team of writers,” pagkukuwento niya sa kanyang karanasan sa pagawa ng WULT.
 
Kumusta katrabaho sina Vhong at Lovi naman?
 
“Ang saya! I like how hands on he is not just sa character nya, but sa process in general.You know na invested siya on the film itself kasi very collaborative siya with all the scenes saka flow ng storytelling. Very professional at matalino.
 
Vhong Navarro and Lovi Poe

Si Lovi naman, kuwento ni Direk, ang description niya san sexy actress: She’s very exciting! Knowing this is Lovi’s first true comedy role, akala ko mahihirapan ako to get her into character, pero hinde.

 
“Naturally funny si Lovi and very easy-going siya as a person. I hope she do more comedies, she’s super talented,” chat information ni Direk sa amin.
 
Sina Mother Lily at Miss Roselle naman, kumusta sila sa film producer ni Direk “Joel?
 
“Dream come true. I enjoy their company, and they’re very open to my matanong na nature. I want to learn from them being haligi sila ng pelikulang Pilipino and it’s been an honor to have worked with them, especially yung openness nila in making films. They like to create not just new but ambitious stories everytime, kaya magandang learning experience for me. Sobrang thankful ako,” sabi ni Direk Joel.
 
Si Direk ay dating apprentice ni Direk Erik Matti na kilala sa kanyang mga radical na mga obra natatanggap na ng Pinoy moviegoers.
 
For Direk Joel, welcome to the mainstream film making and production world. Enjoy the ride.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleElla Cruz at Julian Trono, magkarelasyon na?
Next articlePikon sa Basketball: Daniel Padilla, balat sibuyas!

No posts to display