Watched Cine Filipino’s “Ang Tulay ng San Sebastian” at Gateway Mall last night. Dahil horror ang synopsis ng kuwento, I got interested. Mahilig kasi ako sa mga katatakutang mga pelikula. From Linda Blaire’s “The Exorcist” at kung anik-anik na mga katsipang exorcist film na ang sumunod, kung hindi romcom or something feel good movie, ang mga pelikulang horror ang isa sa mga trip ko ring panoorin. Wala lang. Gusto ko lang takutin ang sarili ko.
Kaya nga noong kabataan ko, sikat si Christoper Lee sa akin kapag may pelikulang “Dracula” siya na naabutan ko pa ang mga pelikula niya in black and white, na nang lumaon parang technicolor na maputla ang kulay, kung hindi man ay may pagka-sepia or something na may pagka-yellowish-redish.
Sa pelikulang “Ang Tulay ng San Sebastian”, na-enjoy ko ang first part. May takot at gulat factor sa akin ang mga katatakutang kuwento ng mga multo sa tulay, kabaong na lumulutang na bahagi ng aking kabataan. Mga kuwento ‘yun ng kasambahay namin noong bata pa ako, kapag gusto niya kaming takutin at ayaw naming magpaawat na kahit madilim na ay gusto pa rin naming maglaro sa labas ng bahay.
Oks na sana kung nag-focus na lang ang direktor ng pelikula na si Alvin Yapan tungkol sa kuwentong katatakutan sa tulay at sa kaluluwa nina Joem Bascon at Sandino Martin na pawang magagaling sa kani-kanilang mga roles. No doubt, ang dalawa ay kabilang sa mga gusto kong artista na kampante ako sa larangan ng pag-arte (malaking projects man or indie film), na hindi mo pagdududahan ang galing ng performance.
Pero naging okray na ang pelikula nang singitan ni Yapan ng mga zombies na nabuhay mula sa hukay at tiyanak na ewan ko kung ano ang gustong itawid ng direktor.
Ano ang ending ng pelikulang “Ang Tulay ng San Sebastian?” Ma at Pa (Malay ko at Pakialam ko).
‘Di ko batid ang ending dahil nag-walkout ako at nabaliw sa pelikula ni Alvin Yapan. Kaloka! Basta ako, kakain na lang ako ng Big Mac, Large Coke Float with Large Fries.
Reyted K
By RK VillaCorta