OLA CHIKKA! NAWINDANG ANG aking ulirat nang ipalabas na sa wakas ang pelikulang ewan, ang Tiltil. Bakit ako nawindang? Dahil sa tagal-tagal na natapos ang pelikulang ‘yan, siguro taon na, pero kailan lang nag-premiere night. Susme, nag-premiere night pa! Isa ako sa cast ng cheapipay na movie na ‘yan.Nu’ngMartes ay na-invite ako ni Sarge na siyang producer mismo ng pelikulang Tiltil,pero ang direktor na si Neal Tan ay hindi man lang nag text sa na may premiere night pala. Siyempre, ang lola n’yo nag-reply na pupunta sa premiere night after ng meeting ko.
Nakakaloka dahil ang restaurant kung saan ako may meeting ay isa pala sa sponsor ng movie. Sabi ko pa,kasama ako sa movie na ‘yan. Kamukat-mukat mo, nang makita ko ang tiket ay wala ang name ko. Siyempre, nakakawindang dahil wala ang beauty ko billing, even sa tarpaulin. ‘Di ba, nakakaloka?
Nag-text ako sa producer kung bakit wala ako sa billing. Kesyo hindi daw alam ng producer at ang nakakaalam raw ay si direk Neal Tan. Naku, ha! Kinaumagahan, nag text sa akin ang producer. ”Gud am tita swarding, now q rin napansin pati pala anak q at ikaw ay wala sa tarpaulin ang nag design/naglagay ng mga pangalan ay cla troy at derek”. Siyempre, ang akala ko ay ako lang, pati rin pala ang anak ng producer ay wala ang mga name,huh! Ang mga nilagay nilang name ay hindi mga kilala, promise, kahit mag-survey pa ay hindi mga kilala ang mga nilagay nilang name except ‘yung dalawang artista na mga award winning na. Kaloka! Nakuha pang mag-premiere. Matapos magkadatung ay wala na silang pakialam sa movie kung kikita ba ‘yan o hindi kasi ang mga nilagay ay ‘yung hindi mga kilala. Kaloka, ha!
Saksi ang mga may-ari ng restaurant kung paano ko pinunit ang tiket mismo sa harap nila pati ang producer ay naloka rin. Tapos, nag-text sa akin si Troy, kesyo wala silang alam. Naku, ha ! Ano ‘yun ?
Sino ang may pakana? ‘Yun na!
MARAMI NA ANG nag-aabang sa bagong pampamilyang pelikula na maiiyak kayo sa katatawa at sasakit pa ang inyong tiyan dahil kakaiba ang tempo ng patawa ni Eugene Domingo sa bago niyang pelikulang Kimmy-Dora. Ang nakakaloka ay hindi mismo ang mga patawa ni Eugene ang inaabangankundi ang gwapong si Dingdong Dantes na leading man niya sa movie na ito. Kaloka, ‘di ba? Hindi pala ang kanyang kakenkoyan ang inaabangan. Ha! Ha! Ha!
Ang nakakaloka ay may kissing scene raw dito sa pelikulang ito kaya ‘yan ang isa sa inaabangan ng mga tao dahil bukod sa kakaibang Eugene ang makikita sa movie na ito, kasama rin sina Miriam Quiambao, Baron Geisler at Zanjoe Marudo. Puro mga papa, ha! Siyempre, kaya kaabang abang ito ay dahil produce rin ito ng Papa ng Bayan na si papa Piolo Pascual at ang aking kaibigang direktor na si Bb. Joyce Bernal. Naku, watching galore na mga kafatid!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding